FiberXers diniskaril ang Tropang Giga,130-127;  3rd straight win inilista

FiberXers diniskaril ang Tropang Giga,130-127;  3rd straight win inilista

PBA

FiberXers diniskaril ang Tropang Giga,130-127;  3rd straight win inilista

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
 
Preparado ang TNT para sa bagwis na istilo ng  paglalaro ng Converge nitong Biyernes. 
 
Ngunit maangas tinupad ng FiberXers ang pag-ulan ng mga puntos kaakibat ang pagrampa sa ilalim para idiskaril ang Tropang Giga 130-117 sa PBA Commissioner's Cup sa  Smart Araneta Coliseum.
 
Bukod sa solidong galaw ng bola na umani ito ng 34 na assists, nagtala rin ang Converge ng panibagong franchise record na 21 three-pointers (sa 40 na pagtatangka) para hindi lamang makuha ang ganap na kontrol sa giyera sa simula pa lamang  kundi mapataas din ang ungos nito hanggang  91-56 sa ikatlong yugto.
 
 
Sabi ni winning coach  Aldin Ayo na ang malupit na turnaround ng kanyang koponan mula sa isang squad na nag-tumirada lamang ng 32 percent mula sa labas ng arko sa unang limang laro nito at na-outscored ng TNT 26-18 sa fastbreak points ay resulta ng walang kapagurang trabaho ng kanyang mga manlalaro sa shootarounds.
 
 
"They deserve it. During practice all of these players just keep on shooting. Hindi naman iyan basta-basta mangyayari na lang e. It's all about the preparation," paliwanag ni  Ayo.
 
Bukod sa pagharap ng TNT sa ikatlong talo sa anim na laro, may iba pang mga interesanteng  inani ang Converge.
 
Nagposte ang FiberXers ng 43-point first quarter output at 73 sa kalahati na parehong franchise at league highs bago muling naitakda ang kanilang dating pinakamataas na output na 112 sa natitirang oras.
 
Si Quincy Miller ang nanguna sa sustenadong atake  at kalaunan ay nagtapos na may 38 points, naka-angkla sa siyam na triples, at humila din ng 20 rebounds at nag-assist ng limang beses habang ang FiberXers ay nakakuha ng kanilang ikatlong sunod na panalo at umunlad sa 4-2 overall.
 
May manipis na pagbabanta ang kinasa ng  Tropa nang humila sila sa loob ng 117-126 may 1:16 pang nalalabi, ngunit mabilis na napawi ang panakot nang tumilapon si Jeron Teng sa shotclock-beater at ginawang layup ni Justin Arana ang Miller steal para selyuhan ang final score, 33 tickstik na lang ang natitira.
 (Louis Pangilinan /PBA) 
 
 
Iskor:
Converge 130 - Miller 38, Teng 22, Melecio 20, Arana 14, DiGregorio 13, Ahanmisi 8, Ilagan 5, Tratter 5, Stockton 3, Racal 2, Hill 0, Bulanadi 0.
 
TNT 117 - Oliver 41, M.Williams 27, Pogoy 19, Montalbo 13, Castro 9, Oftana 4, K.Williams 3, Erram 1, Tungcab 0, Marcelo 0.
 
Quarters: 43-24, 73-47, 113-85, 130-117