TnT KaTropa 'di puwedeng papitik-pitik!
Ni Louis Pangilinan
Paniguradong makausad sa quarterfinals, hindi kailangang magpapitik-pitik ang TNT KaTropa kung saan hangad nila ang mas mataas na lebel –ang Top Two finish para sa twice-to-beat bonus.
Gabundok ang istratehiya ng KaTropa na higit na mapalakas ang kanilang arsenal para tungkabin ang ikapitong sunod na panalo kontra Alaska Milk Aces sa PBA Governors Cup Ynares Sports Center Antipolo, Biyernes.