TNT kontra San Miguel sa finals!

TNT kontra San Miguel sa finals!

TNT kontra San Miguel sa finals!
PBA

TNT kontra San Miguel sa finals!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Mga laro bukas
(Big Dome)
Best of 7- Game 1
6:30pm - San Miguel vs TNT

Tinuldukan ng San Miguel ang pinakaantisipang title war laban sa TNT KaTropa sa PBA Commissioner's Cup matapos na ilugso ang Rain or Shine Elasto Painters, 98-95 panalo Biyernes sa Smart Araneta Coliseum.

Nirakrak ang nakakahimatay na segundo, para ipreserba ng Beermen ang three-point win nang kanilang pigilan ang huling posesyon ng E-Painters, na pumuwersa kay James Yap sa isang kritikal na turnover.

Nakaagaw si Chris Ross kung saan maging si Terrence Romeo ay naglaho sa transition offense, gayunman nahablot ng Beermen ang Game Four para selyuhan ang 3-1 series win tungo sa pagharap nila sa titulo versus KaTropa.

Nagsagupa na sila sa rematch ng kanilang 2017 Commissioner's Cup title showdown na pinanalunan ng Beermen sa 6 games. Sa katunayan, apat na beses nang nagtagpo para sa playoffs ang SMB at TNT na tinatamasa ng Beermen ang unahan, 3-1.

Magsisimula ang epikong bakbakan ngayong Linggo sa Big Dome.

"We're facing a tough team that is playing basketball at the highest level," sambit ni SMB coach Leo Austria.

Ito'y isang inaabangang face-off kung saan kapana panabik na dikdikan sa pagitan ng dalawang elitikong imports na sina Chris McCullough at Terrence Jones.

Bigatin si McCullough sa pagrampa nila sa E-Painters sa pagpitas ng double-double game na may 35 points at 18 markers, na ginatungan ng ilang clutch plays sa huling kanto ng laban.

Napanatiling makaungos ng San Miguel, 96-94 kung saan ipinutok ni McCullough ang dumadagundong na tres may 2:39 pa.(Louis Pangilinan)