Fallorina pasok sa Last 64 ng Predator-Volturi 9-Ball Cup 2020 tournament - Page 2

Fallorina barges into Last 64 of Predator-Volturi 9-Ball Cup 2020 tournament

Fallorina barges into Last 64 of Predator-Volturi 9-Ball Cup 2020 tournament - Fallorina pasok sa Last 64 ng Predator-Volturi 9-Ball Cup 2020 tournament

Article Index

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus


by Marlon Bernardino
TINALO ni Mark "Iron Fist" Fallorina si Rodel Adona, 6-3, para mag qualify sa tough Round of 64 ng Predator-Volturi 9-Ball Cup 2020 tournament na ginanap sa AMF-Puyat Makati Cinema Square, Makati City nitong weekend.


Umasa si Fallorina sa kanyang solid breaks tungo sa easy runouts at maipagpatuloy ang kanyang mainit na pananalasa.
"My opponent [Rodel Adona] was really good. He derserves to win too,” sabi ni Fallorina na tambay sa Top Cue Billiards Hall sa Speaker Perez, Quezon City “I just played based on my experience." ani Fallorina na inalay niya ang kanyang tagumpay sa kanyang asawa na si Mary Ann Chavez at mga anak na sina Samantha at Sabrina at kanyang sponsor/manager architect Eric "Teod" Salud.


Ang iba pang cue artists na naka pasok sa knockout phase ay kinabibilangan nina 14 year-old Dartagnan Philippe Bonode, Jun Cornista, William Brillantes, Ge Novales, Jaynard Orque, Alvin Barbero, Jaime Evangelista, Jean Berne, AJ Manas, Carlo Paniqui, Raffy Septimo, King Hubaldo, Richard Paraiso, Nimrod Ceniza, Albert Albano, Jomar Aribas, Jet Rabe, Aris Rosario, George Cajara, Jay Francis Cruz, Noel Cruz, JR Magpantay, Mone Velez, Darwin Canapi, Bryan Flores, Pat Galleto at Ren De Vera.


Una ng sinamahan nina Bernie Regalario at Eric "Billiard Cop" Bayhon ang kanilang kapwa Wilde Blu stablemate na sina Bastien Cyril Olanda, Sofhia Rosales at James Lim sa Last 64.


Inorganisa ng Makati Pool Players Association (MAPPA) sa gabay ni president Arvin John "Bambino" T. Arceo at tournament director Patrick Clavel, ang 9-ball tournament (February 29, March 1 and March 7), presented ng Predator at Volturi, na suportado ng world-renowned blogger Leslie "The AnitoKid" Mapugay, Puyat Sports, Wilde Blu, Dubshop, Aria Pool Things, Sunville Trading, Peri, Stanson, MLA Trading, Fury at bilyarista.com na may pabuyang total P250,000 cash at prizes ang nakataya.


Ang nalalabing manlalaro ay nakatutok sa P40,000 top prize kung saan maiuuwi naman ng runner-up ang P20,000 habang ang third at fourth placers ay tatangap ng tig P15,000 at P10,000, ayon sa pagkakasunod.


Nakalaan naman sa Fifth hanggang Eight placers ang tig P6,000 habang sa ninth hanggang 16th placers ay magsusubi ng tig P3,000.-Marlon Bernardino-