Ang Filipino cue master na si Richard Alinsub ay nanalo sa Bali International 9-Ball Open; nagbulsa ng P350,000

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

ni Marlon Bernardino
Manila---Nagkampeon ang Filipino cue master na si Richard Alinsub ng Pilipinas sa katatapos na 2024 Bali 9-Ball Open Miyerkules ng gabi, Abril 17, sa Bali, Indonesia.

Kilala rin bilang sa tawag o alyas na "The Robot" at "Bong Bata (kid)", ibinulsa ang pinakamataas na premyo na P350,000 (IDR 100,000,000 ) sa 128-man tournament matapos talunin ang kababayang si Sean Mark Malayan sa isang All-Filipino final showdown sa pamamagitan ng 11- 8 score matapos mula sa pagkabaon na 7-3.

Ang pagpasok ni Alinsub sa Finals ay binigyang diin ng tagumpay laban sa kababayang eventual 3rd placer na si AJ Manas, 9-1, sa all-Filipino semifinal round.
Tinalo din ng San Jose del Monte, Bulacan pool player si Duong Quoc ng Vietnam, 9-5, sa quarterfinals.

Susunod ay masisilayan si Alinsub sa Bali Open 10 Ball event na nagsimula ngayong Huwebes .-Marlon Bernardino-

Photo credit sa 77.billiards