Pinataob ni Filipino youth master Bernie Regalario si World no.1 Francisco Sanchez Ruiz ng Spain sa Day 1 ng Premier League Pool

Pinataob ni Filipino youth master Bernie Regalario si World no.1 Francisco Sanchez Ruiz ng Spain sa Day 1 ng Premier League Pool

Pinataob ni Filipino youth master Bernie Regalario si World no.1 Francisco Sanchez Ruiz ng Spain sa Day 1 ng Premier League Pool

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

ni Marlon Bernardino
Manila---Ginapi ng Filipino teenage sensation na si Bernie Regalario si World no.1 Francisco Sanchez Ruiz ng Spain, 5-4, para irehistro ang pinakamalaking upset sa Day 1 ng Premier League Pool (9-ball) sa US 1 Billiards, West Haven, Connecticut, United States noong Martes.


Ang 19-anyos na si Regalario, isa sa star-studded player ng Marboys Billiards Club, ay naunang natalo kay 2 times World 9 Ball Champion Albin Ouschan ng Austria, 2-5, ngunit nakabalik sa kontensiyon na tinalo ang dating World Champion at US Open Champion na si Joshua Filler ng Germany, 5-3, noong Lunes bago talunin si Ruiz.


Makakaharap ni Regalario, ang reigning 2nd Chinese Taipei Open 9 ball pool championship runner-up, sina 2023 US Open champion Ko Ping Chung ng Chinese-Taipei, 23-year-old Wiktor Zielinski ng Poland at Two-time World Cup of Pool Champion Mario He ng Austria sa Day 2 Miyerkules.


Kasama ni Regalario sa US ang CEO at president ng Marboys Billiards Club na si JR Velasco, na matagal nang sumusuporta sa karera ng mga batang Pinoy na manlalaro ng pool. Nakipagsanib-puwersa si Velasco kay Marvin Paringit sa pagsuporta sa paglalakbay ni Regalario sa USA.


"I work so hard to get ready for this game and I am confident I can perform well, " sabi ni Regalario, bagong miyembro ng pambansang koponan.
Ang Premier League Pool ay may kabuuang premyong pondo na $100,000 kung saan ang kampeon ay nakakakuha ng lion's share na $20,000. Ang runner-up ay magbubulsa ng $12,500 habang ang matatalo sa semifinalists ay makakakuha ng tig-$8,000.-Marlon Bernardino-
Larawan ng caption:
Si Filipino teenage sensation Bernie Regalario at Marboys Billiards Club CEO at president JR Velasco