Matagumpay na bakunahan sa Ilocos Sur pinuri

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    DLSU, UST seek 'double'; HS 3x3 now a regular sport

    The UAAP 3x3 Basketball Tournament will be back playing inside a mall. Ayala Malls Manila Bay's...

    NM Jasper Faeldonia nagkampeon sa IIEE chess tournament

    ni Marlon BernardinoManila---Kinumpirma ni National Master (NM) Jasper Faeldonia ng Maynila ang...

    Erik Bazinyan-Shakeel Phinn Super Middleweight Battle to Stream LIVE & Exclusively in the U.S. on ESPN+

    Undefeated super middleweight contender Erik Bazinyanreturns in the 10-round main event against Shakeel...

    Matagumpay na bakunahan sa Ilocos Sur pinuri

    Ang pagsisikap sa pagbabakuna laban sa Covid-19 na nagsimula noong 2021 ay nagbigay daan para bumalik sa normal ang pamumuhay para sa maraming Pilipino. At habang ang lahat ay maaari pang mabakunahan, lumikha ang pamahalaang nasyunal ng isang sistema na prayoridad para tugunan ang mga taong may pinakapeligresong dapuan ng mga sakit.

    Ang A2 category ay kinabibilangan ng lahat ng senior citizen at ikalawa lamang para sa mga frontline health worker na prayoridad. Dahil sa kanilang edad at iba pang isyung pangkalusugan, kinakailangan ng mga senior citizen ang mabakunahan dahil ang kanilang mahinang immune system ay nagiging mas madaling kapitan ng virus at ang mga nakamamatay na epekto nito.

    Kamakailan lang tinanghal ang Ilocos Sur bilang isa sa Top Performing Local Government Units sa katatapos na National Vaccination Day sa ilalim ng A2 Doses Accomplishment category.

    Ang parangal ay iginawad ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa pakikipagtulungan ng National Covid-19 Task Force at iba pang pambansang ahensya.
    Malugod na tinanggap ni Ilocos Sur Governor Ryan Singson ang papuri, at sinabing hindi magiging posible ang tagumpay ng rehiyon kung hindi dahil sa pagsisikap ng lahat ng opisyal ng lokal na pamahalaan sa iba't ibang lungsod at munisipalidad ng rehiyon.

    “We all worked in close coordination with health officials and other government agencies to ensure that we would be able to efficiently distribute the vaccines to our constituents. This was possible because we believed in the seriousness and the urgency of vaccination as one of the best measures to combat Covid-19,” pahayag ng gobernador. - RMPANGILINAN