Ilocos Region unang deneklara bilang matatag sa aspeto ng kapayapaang pangloob at seguridad

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    Dableo naghari sa Sicilian Prodigy tilt

    ni Marlon BernardinoWinalis ni Grandmaster Candidate at International Master Ronald Dableo ang...

    Tyson Fury and Oleksandr Usyk Make Grand Arrivals ahead of Saturday's UNDISPUTED SHOWDOWN

    Heavyweight history will be made soon in The Kingdom. WBC/Lineal champion Tyson Fury (34-0-1, 24 KOs) and...

    PROFESSIONAL FIGHTERS LEAGUE NAMES MICHAEL CHIODITTI SVP, NEW BUSINESS

    The Professional Fighters League (PFL), the fastest growing and most innovative sports league,...

    Ilocos Region unang deneklara bilang matatag sa aspeto ng kapayapaang pangloob at seguridad

    Deneklara ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang Ilocos bilang unang rehiyon sa bansa sa pagiging matatag patungkol sa kapayapaang panloob (internal peace) at seguridad.

    Ito ay inihayag sa bisa ng pagpapalabas ng Resolution No. 1 series of 2022 ng Joint Regional Development Council 1 (RDC), Regional Peace and Order Council 1 (RPOC), at ng Regional Task Force (RTF-ELCAC).

    Kabilang sa mga pangunahing sukatan para sa deklarasyon ay ang hindi pagkakaroon ng mga mararahas na insidente na dulot ng communist terror groups (CTGs), kawalan ng mga armadong grupo, at ang kawalan ng suporta ng CTGs mula sa mga mamamayan ng rehiyon.

    Kinumpirma ang deklarasyon ni
    National Security Adviser Sec. Hermogenes C. Esperon Jr., na aniya'y, “Ilocos Region is the first to be declared with the status of stable internal peace and security.”

    “This is a big achievement for the Ilocos Region, in terms of development. More investors are coming in because they are already confident of the peace and security of the place.” sambit pa ni Esperon Jr..

    Sinabi naman ni Brig. Gen. Krishnamurti Mortela, Commander ng Joint Task Group Defender, ang AFP unit na nakatalaga sa paglaban sa terorismo sa rehiyon ng Ilocos na ang resolusyon ay resulta ng ilang matagumpay na pagsisikap ng AFP sa rehiyon kaagapay ang suporta ng buong local government unit ng rehiyon. Na-neutralize ng sandatahang lakas ang may
    36 high-value personalities at nakapagtala ng 984 na pwersa ng mga NPA ang sumuko.

    Samantala, 152 munisipalidad at 3,564 na barangay ang nagdeklara sa mga rebeldeng komunista bilang persona non grata, kaya hindi sila ligtas na gawing kanlungan ang rehiyon.

     

    “Our hard work, focus, and relentless efforts to accomplish our targets and mandate yielded zero violence incidents for more than a year now since January 2021, “pahayag ni Brig. Gen. Mortela.

    Sa Ilocos Sur, tiniyak ni Governor Ryan Singson na ginagawa ng kanyang administrasyon ang lahat ng makakaya para ma-abot ang pagpapatupad ng iba't ibang mga programa at proyekto bilang tugon sa mga prayoridad na pangangailangan ng nasasakupan.

    Kasabay nito, ipinahayag niya ang kanyang buong pasasalamat sa lahat para maging posible ang naturang deklarasyon.

     

    Photo caption :
     
    Ginawaran si Ilocos Sur Governor Ryan Singson  bilang Most Outstanding Public Servant  of the Year sa 16th Gawad Filipino Award, ang taunang  kaganapan na naglalayong kilalanin  ang kahusayan ng isang indibidwal sa pamamagitan ng kanilang hilig at etika sa trabaho na lubos na may impluwensiya sa aspetong pang- kultura, tradisyon, at lipunan ng Pilipinas para sa makataong pagbabago.