Super Swerte naka resbak kay Boss Emong sa 2021 PHILRACOM - PCSO Silver Cup

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    UAAP VOLLEYBALL : UST denied De La Salle University

    Drawing energy from half of the 14,939 fans inside the SMART Araneta Coliseum, University of Santo Tomas...

    Nakatakda ang 1st CNES Chess tourney para sa Mayo 11

    ni Marlon BernardinoManila, Philippines — Muling susubok sa husay ng bawat isa ang cream of the...

    Lakers 119-108 win over champion Denver

    The Los Angeles Lakers finally cracked the Denver Nuggets’ mastery of this rivalry and extended...

    Super Swerte naka resbak kay Boss Emong sa 2021 PHILRACOM - PCSO Silver Cup

    CARMONA, Cavite---Naka rebanse si Super Swerte kay Boss Emong matapos angkinin ang panalo sa 2021 PHILRACOM - PCSO Silver Cup na nilarga noong Linggo (Nob.7) dito sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
    Dumiskarte si jockey AR Villegas, hinayaan nitong mauna si Union Bell sa largahan at ipinuwesto ang anak nina Art Moderne at Faster Tapper na si Super Swerte sa tersero upang mabantayan ang mahigpit na karibal na si Boss Emong na nasa pangalawang puwesto.


    "Expected ko kaya kong manalo," sambit ng 35 anyos na si jockey Villegas na siya mismo ang nag te train sa kabayong si Super Swerte na pag ma may-ari ni Mayor Sandy Javier ng Andoks Lechon Manok.
    "Ito na ang biggest win ko," ani Villegas na nabigyan pagkakataon makasampa kay Super Swerte matapos ang dating jockey na si JV Guce ay nagpapahinga kung saan siya din ang naging trainer ni Hagdang Bato ni MMDA chairman at Mandaluyong City mayor Benhur Abalos Jr. at Real gold ni G. Jing Javier.
    Papasok ng far turn ay kumuha ng unahan si Boss Emong pero sinundan agad siya ni Super Swerte kaya naman nagkapanabayan ang dalawa sa huling kurbada.
    Bakbakan sa rektahan, inakala ng mga karerista na makukuha ni Boss Emong ang panalo dahil nakalamang ito ng dalawang kabayo pero lumabas ang tikas ni Super Swerte at tinawid nito ang meta ng may kalahating kabayo ang agwat.
    Nirehistro ni Super Swete ang impresibong 1:50. 6 minuto sa 1,750 meter race sapat upang hamigin ni Mayor Sandy Javier, may ari ng Super Swerte ang tumataginting na P2.4M sa event na inisponsoran ng Philippine Charity Sweepstakes Office at ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
    "Napakaganda ng naging labanan sa panig nina Super Swerte at Boss Emong at talagang kapana-panabik hanggang sa huli," sabi ni chairman De Leon.
    Hinamig ni Boss Emong ang second place prize na P800,000 habang tig P400,000 at P200,000 sina Union Bell at Greatwall na dumating na tersero at pang-apat ayon sa pagkakasunod.
    Napunta ang P120,000 at P80,000 sa fifth at sixth na sina Princess Eowyn at Pangalusian Island.
    Natalo si Super Swerte kay Boss Emong sa Chairman's Cup nang magharap sila noong Hunyo.
    Makikita sa larawang ito si jockey AR Villegas (gitna) na syang hinete ni Super Swerte sa isang closing rites na pinangunahan ni Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) chairman Reli De Leon.-Kuha na photo ni Noel Jay Estacio-