GAB-MPD muling nanlambat kontra  illegal bookies

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    DLSU, UST seek 'double'; HS 3x3 now a regular sport

    The UAAP 3x3 Basketball Tournament will be back playing inside a mall. Ayala Malls Manila Bay's...

    NM Jasper Faeldonia nagkampeon sa IIEE chess tournament

    ni Marlon BernardinoManila---Kinumpirma ni National Master (NM) Jasper Faeldonia ng Maynila ang...

    Erik Bazinyan-Shakeel Phinn Super Middleweight Battle to Stream LIVE & Exclusively in the U.S. on ESPN+

    Undefeated super middleweight contender Erik Bazinyanreturns in the 10-round main event against Shakeel...

    GAB-MPD muling nanlambat kontra  illegal bookies

    MULING kumilos ang pinagsanib na puwersa ng Games and Amusements Board (GAB) Anti-Illegal Gambling Division at Manila Police District (MPD) Special Operation Unit na nagresulta sa pagkatiklo sa tatlong operator ng illegal bookies nitong nitong Miyerkules sa Pandacan, Manila.
     
    Sa isinumiteng report ng GAB-AIGU, sa pangangasiwa ni SGI-2 Gleen Pe kay GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, kasama ang spot report, sinalakay nitong Pebrero 10 ng GAB-AIGU at MPD-DSOU, sa pangunguna ni PCPT Jervies Soriano, Deputy Chief, sa patnubay ni PMAJ Roderick Caranza, Acting Chief, ang illegal bookies sa No. 2873 Road 1 corner Baretto Village, Brgy. 840 Zone 91 District 6 Beata, Pandacan, Manila.
     
    Naaktuhan na nagsasagawa ng illegal na aktibidad at sinampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Anti-Gambling (Illegal Horse Racing Bookies) sina Freddie Bustinira, 51; Daniel San Lorenzo, 38 at Jay Hernandez, 32. Nasamsam sa kanila ang iba’t ibang kagamitan sa pagsasagawa ng illegal na gawain.
     
    Ayon kay Pe, matagal nilang minannaman ang naturang lugar matapos makatanggap ng sumbong mula sa concerned citizens at nang matiyak na positibo ang illegal bookies kaagad silang humingi ng tulong sa kapulisan.
     
    “Hindi po kami titigil hanggat may mga kababayan tayong nagmamagandang  loob upang masawata ang ganitong mga gawain. Muli kaming nagpa-paalala sa ating mga kababayan na huwag tangkilikin ang ganitong gawain. 
     
    May mga Off-track betting station po tayo na ginagabayan ng GAB at makasisiguro kayong ang buwis na nakukuha ay makatutulong sa inyong kapwa,” sambit ni Pe.
    “Yung pong itinataya ninyo sa ilegal bookies ay buwis nasana na magagamit ng pamahalaan sa iba’t ibang programa sa komunidad. Huwag na po nating tangkilikin ang mga ito,” aniya.(LP/GAB)