GAB patuloy ang operasyon sa illegal bookies

Latest News

Latest Reviews

Lina transfers to UP, applies for VAAS program

Former Gilas Pilipinas Youth stalwart Bismarck Lina is working on his transfer to University of...

Liyab bags 3rd place in LOL: Wild Rift Frontier Contenders 2021 Tournament

Team Liyab defeated Sunsparks, 2-1 to wound up third overall in the League of Legends: Wild Rift...

Ex UST cagers Mark Nonoy & Deo Cuajao join Green Archers

Ex UST cagers Mark Nonoy & Deo Cuajao formally committed to La Salle in meeting with DLSU team...

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

GAB patuloy ang operasyon sa illegal bookies

MULING nagsagawa ng operasyon ang Games and Amusements Board (GAB) Anti-Illegal Gambling Division na nagresulta sa pagkalansag ng illegal horse-racing bookies at pagka-aresto ng dalawang personnel nitong Sabado sa Manila.

Sa pangunguna ni GAB-AIGD head Glenn Pe at pakikipagtulungan ng Manila Police Department-DPIOU, sa pamumununo ni Police Capt. Jervies Soriano at nasa pangangasiwa ni Police Lt. Col. Levi Hope Basilio, sinalakay ang illegal bookies sa panulukan ng Penalosa St. sa Tondo.

Naaktuhan ang mga suspek sa illegal na bookies na sina Mary Rose De Vera, 27, at Norman Bautista, 28.

Inihahanda ang kaukulang kaso laban sa dalawa.
Nakumpiska sa kanila ang iba’t ibang paraphernalia tulad ng TV monitor, programa ng karera, at mga pataya.

Pinasalamatan ni Pe ang pamunuan ng MPD sa patuloy na pagsuporta sa programa ng GAB na sugpuin ang illegal bookies, higit at nasa ilalim ng quarantine ang karamihan sa mga lugar sa bansa.

Bukod sa buwis na nawawala sa pamahalaan dahil sa illegal na bookies, tahasang nalalabag ang ‘safety and health’ protocol ng mamamayan dahil sa nagyayaring umpukan dito.

Nagsasagawa ang GAB ng pakikipag-ugnayan sa lahat ng horse-racing club sa bansa upang mapalakas na online services upang maayos na makilahok ang bayang karerista na hindi kailangang pang lumabas sa kanilang mga tahanan.

“Makakaasa po ang bayang karerista na ginagawa po ng pamunuan ng GAB, sa pangunguna ni Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra at Commissioner Ed Trinidad at mar Masanguid na mapalakas ang industriya ng karera at matulungan ang sector na mapanatili ang kanilang kalusugan sa gitna nang paglaban ng bansa sa COVID-19 pandemic,” ani Pe.