Gilas may alipores na sa China para sa scouting

Gilas may alipores na sa China para sa scouting

Nagtungo na sa China ang advance party ng Gilas Pilipinas para tiktikan ang ilang laro ng makakalaban na tropa.

Pinamunuan ito ni Gilas deputy coach Sandy Arespacochaga para sa scouting assignment.

Isa sa misyon niro ay ang saksihan ang mini-pocket tournament sa pagitan ng Serbia at Italy na gaganapin sa Foshan, China.

Dagdag pa ng deputy coach, mananatili ito sa China ng isang linggo at hihintayin na lamang ang pagdating ng national team. (Louis Pangilinan)