Beterano rumagasa para sa NLEX  Road Warriors kontra Alaska Aces

Beterano rumagasa para sa NLEX  Road Warriors kontra Alaska Aces

PBA

Beterano rumagasa para sa NLEX  Road Warriors kontra Alaska Aces

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Nakatawid sa kanilang unang matinding pagsubok ang NLEX kahit wala ang inaasahang si Kiefer Ravena at nagawa ito ng Road Warriors sa magkasanib na ayuda ng ilang astig na players.
 
Pawang nagsi-iskor ng halos higit tig-15 puntos sina JR Quinahan, Kevin Alas, Jericho Cruz at Kenneth Ighalo para gatungan ang Road Warriors laban sa Alaska Aces, 84-74, Huwebes ng gabi sa PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.
 
Komportable si coach Yeng Guiao sa atakeng patibong na ipinain ng kanyang alipores kahit wala si Ravena, kasalukuyang nasa Japan habang inaayos ang kanyang dokumento  para makagpaglaro bilang import  sa Shiga Lakestars sa Japan B.League.
 
"We have to do it by committee," ani Guiao, na wala din ang mga serbisyo nina Raul Soyud (sprain) at Anthony Semerad, na kapapanganak ang misis,  pero naisalta pa din ang kartada sa 3-2.
 
"Not just one guy could step into those shoes. We have to distribute that responsibility to the rest of the team," ani pa Guiao. "I've said it before, that losing Kiefer is like losing your right hand. So we have no choice but grow another hand or look for a prosthetic."
 
 
Ragasa si Quinahan at tumipak ng  game-high 18 points. Banat din si Alas na may 17 points at pitong rebounds para akuin ang Best Player of the Game honor, habang si Cruz ng 15 points, 4 boards at 4 steals.(LP/PBA)
 
 
 
The scores:
 
NLEX 84 - Quinahan 18, Alas 17, Ighalo 15, Cruz 15, Oftana 8, Paniamogan 6, Miranda 5, Trollano 0, Porter 0, Ayonayon 0, Galanza 0.
 
Alaska 74 - Ahanmisi 17, Digregorio 16, Brondial 8, Herndon 7, Banal 7, Teng 5, Tratter 4, Stockton 4, Casio 4, Ebona 2, Ilagan 0, Adamos 0, Marcelino 0, Publico 0, Taha 0.
 
Quarters- 20-29, 38-37, 59-55, 84-74