Nanatiling perpekto angTNT sa limang asignatura sa PBA Philippine Cup, kaalinsabay sa pagbabalik ni coach Chot Reyes at lusawin ang Meralco sa unang parte diretso sa 91-76 win sa DHVSU Gym Biyernes ng gabi.
Binagtas ng Tropang Giga ang kanilang momentum tungo sa pagkarga ng 96-76 win kontra Backwater noong Miyerkules, pinalobo sa 54-26 halftime at sinibasib ang halos 30 puntos na ungos bago binalikwa ang Bolts' comeback bid sa ikalawang kanto.
Si top rookie Mikey Williams ang muling kumamada ng mga puntos kaagapay sina RR Pogoy at Jason Castro na may malaki ring produksiyon kung saan nasa mandato ang Tropang Giga bagupaman ang ibayong aksyon nila kontra Magnolia Hotshots, Linggo.
"Hopefully, Troy Rosario's injury is not too severe that he'll be able to play Sunday," ani TNT coach Chot Reyes.
Sa kaagahan ng laro sa fourth, nabaliko ang kanang bukong ni Rosario at hindi na nakabalik, humataw ng 9 rebounds, 4 points at 2 assists sa 29 minutong aksyon. (LP/PBA)
Photo Courtesy : PBA.PH
The scores:
TNT 91 - Williams 27, Pogoy 20, Castro 14, Erram 9, Khobuntin 8, Heruela 5, Rosario 4, K. Williams 4, Exciminiano 0, Reyes 0, Montalbo 0, Alejandro 0, Marcelo 0, Javier 0, Mendoza 0
Meralco 76 -- Pinto 16, Hugnatan 14, Black 8, Hodge 8, Belo 6, Quinto 6, Newsome 5, Caram 4, Maliksi 3m Alamazan 2, Pasaol 2, Jamito 2, Jacksn 0, Jose 0, Baclao 0.
Quarters: 22-13, 54-26, 74-59, 91-76