Bolts umariba vs Hotshots, usad sa segundo puwesto!

Bolts umariba vs Hotshots, usad sa segundo puwesto!

Bolts umariba vs Hotshots, usad sa segundo puwesto!
PBA

Bolts umariba vs Hotshots, usad sa segundo puwesto!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Determinadong nakaigpaw ang Meralco buhat sa trese puntos pagkalugmok pasampa sa huling dalawang minuto para mahablot ang 95-94 panalo kontra Magnolia sa muling pagpapatuloy ng naudlot na PBA Philippine Cup sa DHVSU, Miyerkules ng gabi.

Humatak ng make-or-break drive si Chris Newsome sa paupos na segundo para maselyuhan ng Bolts ang come-from-behind win diretso sa pag-usad sa ikalawang posisyon sa likod ng TNT Tropang Giga (4-0) na may 5-1 win-loss slate.

Maagang kumampante, tahasang pinagbayaran ng Hotshots ang kanilang kapabayaan para namnamin ang unang talo at lumagpak sa ikatlong puwesto sa 4-1.

Sanib-puwersa sina Mac Belo, Alvin Pasaol at Newsome para balikwain ang kapalaran sa huling dalawang minuto, at painitin ang ulo ng Magnolia na kinontrol ang halos kabuuan ng aksiyon.

Halos mahuhugot na ng Hotshots ang panalo makaraang umugos ng 13 , 93-80 mula sa dalawang free throws ni Ian Sangalang.

 The scores:

Meralco 95 - Belo 22, Hodge 18, Hugnatan 15, Newsome 14, Maliksi 11, Black 6, Almazan 4, Pasaol 3, Quinto 2, Jackson 0, Jose 0, Pinto 0, Caram 0, Baclao 0, Jamito 0. 

Magnolia 94 - Lee 21, Abueva 18, Jalalon 12, Sangalang 10, Corpuz 8, Berroca 8, Dela Rosa 8, Ahanmisi 5, Reavis 2, Dionisio 2, Brill 0, melton 0, De Leon 0, Capobres 0, Pascual 0.

Quarters: 17-22, 39-50, 66-71, 95-94

(Photo Courtsey by: Pba.ph)