Tabloid

Tabloid

uppercut ni DANNY SIMON

BAKIT BAYANI SI MARCOS?

THE late Ferdinand Edralin Marcos is a former president of the republic,bemedalled soldier,lawyer,lawmaker and a sports enthusiast.Marapat lang siyang maihantong sa 'Libingan ng mga Bayani'. 

Kayong mga tutol sa paninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilibing na sa 'heroes' tomb ang matagal nang  namayapang dating strongman upang mawakasan na  ang pagkakawatak ng mga Pinoy at maisulong na ang tunay na pagkakaisa ng sambayanan,dapat ay magpasalamat pa kayo at ituring na bayani sI Marcos dahil kung di niya pinigil ang napapraning nang heneral noong si Favian Ver ay malamang na isang delubyo ang nangyari noon sa EDSA Revolution [1986].

Kayong mga umaayaw na mailibing na si Marcos  sa LIBINGAN NG MGA BAYANI,Dapat n'yong tandaan na kundi dahil sa kanyang kabayanihan at malasakit  bilang lider ng bayan at bilang  isang mortal ay malamang na  nalibing na kayo noon na una pa sa kanya dahil kung tunay na siya ay berdugo malamang na isang kompas niya kay Ver  ay tiyak na lipol ang mga ralyista sa pinasikat na people power.

Kundi sa kabayanihan ni Marcos,di sana kayo napuwesto sa kapangyarihan at nakapagpayaman mula sa kaban ng bayan dahilan upang malubog sa kumunoy  ang ating bansa .Kundi bayani si Macoy ubos na sana ang lahi ninyo sa EDSA.

Kayong mga nagsisisigaw na malupit si Marcos  noon,kayo rin ang nakikinabang dahil nakukuha ninyo ang simpatiya ng mga tao noon at ginagamit nyong kredensyal sa inyong bio-data na kayo ay nakulong sa Marcos administration  at ang pagkikilos protesta laban sa kanya ay nakakadagdag ng kasikatan niyo  bilang iilang lumalaban sa tinagurian  niyong diktador.

Noon ,nakaipon kayo ng dagsang tao na sumimptiya sa inyong paglaban sa diktadurya pero iba na ngayon.Namulat na si Juan at di na siya papagoyo at papagamit sa mga ganoong uri ng pagkilos  na pansariling interes at idelohiya naman ang tunay na layunin.

Ngayon nakakuha na naman kayo ng dahilang magamit si Marcos upang mapansin ng madla at media para sumikat na matapang at may paninindigan para sa personal mileage pero sa totoo lang ay stepping stone nila upang maging national figure, maging politikong bubundat din ang tiyan sa lalong madaling panahon.

Noong panahong iyon ng  people power ay isa ang korner na ito sa mga ngumawngaw at taga-letra ng mga protest streamers[volunteer at gratis] sa Edsa na nagsisi rin sa kalaunan dahil ang mga pumalit kay Marcos mula noon hanggang sa nakaraang administrasyon ay masahol pa sa kanilang hinusgahang dating lider .Mas bayani pa pala si Marcos!MOVE ON 'PINAS!

[Noong panahon ni Marcos,powerhouse sa larangan ng sports sa Asia ang Pilipinas  at marami ang naging bayaning atleta sa kanyang timon.Dito rin sa Pinas naganap ang mga higanteng kaganapang international sports tulad ng makasaysayang 'Thrilla in Manila Ali-Frazier fight,World Chess championship ,ABC hosting at iba pa.Iyan ay kabayanihan.]

1. Eric Shauwn Cray - Track and Field 400m Hurdles

The 27-year-old Filipino-American is a two-time Southeast Asian Games gold medalist for the men's 400m hurdles. He broke the SEA Games record for the event after clocking in 49.40 seconds last year. In the Asian Indoor Championships this year, he broke the tournament record for the 60m with a time of 6.57 seconds in the semifinals, but it was surpassed by in the final race as Cray settled for the bronze.

Read more ...

July 22, 2016

PHOTO RELEASE

PAL LADIES INTERCLUB. Captains of 28 ladies golf teams, including golfers from Australia and Port Moresby, gathered at Camp John Hay Golf Club in Baguio for the 1st team captains meeting of the 11th PAL Ladies Interclub golf tournament to kick off October 4 to 7 at the Camp John Hay golf course, with the theme ‘Glam on the Greens’.

Read more ...
Page 2 of 3