Naging prominenteng larangan ang Skateboarding sa Pilipinas nang humablot ng gold medal si Margielyn Didal sa 2018 Asian Games.
Mapapalaban si Vietnamese sprinter Le Thun Chinh sa isang malaking pagsubok kasama ang dalawang Filipino-American sprinters sa 100-meter dash pagsapit ng 2019 Southeast Asian Games.
Angat sa scorecards si Eumir Felix Marcial matapos ang unang round nang abutan siya nang isang umigkas na left hook buhat sa magaslaw na palitan ng punches sa kalagitnaan ng second round. Ang kanyang final opponent, si Gleb Bakshi ng Russia, ay sinamantala na ang laban hanggang sa huli ng AIBA World Boxing Championships sa Ekaterinburg Sabado ng gabi.
“ONE: CENTURY,” IHAHATID NG ABS-CBN SPORTS SA TV AT ONLINE
Hindi mahuhuli ang mga Pilipino sa pinakamalaking event ng ONE Championship na “ONE: Century” sa Tokyo, Japan ngayong Oktubre 13, dahil ihahatid ng ABS-CBN Sports ang aksyon sa dalawang fight card nito sa TV at online.
Pasok si Filipino national boxer Eumir Felix Marcial sa kampeonato ng AIBA World Elite Men's Boxing Championships sa Ekaterinburg, Russia Biyernes matapos ang impresibong panalo kay 3rd-seeded Tursynbay Kulakhmet ng Kazakhstan.
Ang mga Filipino triathletes ay itinanghal na kampeon sa nakalipas na dalawang edisyon ng Southeast Asian Games.
Wala silang intensiyon na bitawan ang trono, lalo na't ngayon ang Pilipinas ang host ng 11-nation sportsfest sa Nov.30-Dec.11.
Nakakuha ng kaalyado ang Philippine ASEAN Paralympic Games Organizing Committee (PHILAPGOC) sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission matapos na ipangako ni chairman William Ramirez ang suporta ng PSC para sa 2020 ASEAN Paragames na ihu-host sa Enero ng susunod na taon.