Timog, QC โ Bubuksan na ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon ang sarili nilang molecular laboratory sa unang linggo ng buwan ng Setyembre, sa pahayag ni Mayor Joy Belmonte, Sabado .
Ani Belmonte, makakatulong ang pagbubukas ng Quezon City molecular laboratory para mapabilis ang oras ng pagkalap ng mga resulta ng coronavirus disease (Covid-19) tests gayundin ang kaagad na mapagtuunan ng medikal na atensyon sa mga nahawaang indibiduwal.
"With our laboratory dedicate only to Quezon City patients, makakaasa kayo na yung (you can expect that the) turn around time will be two to three days maximum na po yan," ani Belmonte.
Sinabi pa ng mayora na hinihintay pa nila ang akreditasyon sa Department of Health para tuluyang makapag-operate na ang molecular laboratory.
Kapag operasyonal na, ang laboratoryo ay makapag eksamin ng 1,000 specimens kada araw, aniya.
"Hopefully with that, the efforts of the Quezon City will be ramped up," ani Belmonte.
Ang laboratoryo ay agad na mapapadali ang paglabas ng test result, gayundin din ani Belmonte na maaring ring makakapagpabagal sa pagtaas ng kasong mahahawaan ng virus.
"Mabilis din makita yung result, kaakibat niyan yung mabilis na pagkilos natin (The faster we see results, we can immediately act on it)," aniya pa. (LP/PNA)