Louis Column

LIfestyle

Angat sa scorecards si Eumir Felix Marcial matapos ang unang round nang abutan siya nang isang umigkas na   left hook buhat sa  magaslaw na palitan ng punches sa kalagitnaan ng second round. Ang kanyang final opponent,  si Gleb Bakshi ng Russia, ay sinamantala na ang laban hanggang sa huli ng   AIBA World Boxing Championships sa Ekaterinburg  Sabado ng gabi.

Pasok si Filipino national boxer Eumir Felix Marcial  sa kampeonato ng AIBA World Elite Men's Boxing Championships sa Ekaterinburg, Russia Biyernes matapos ang impresibong panalo kay 3rd-seeded Tursynbay Kulakhmet ng Kazakhstan.

Nakakuha ng kaalyado ang Philippine ASEAN Paralympic Games Organizing Committee (PHILAPGOC) sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission matapos na ipangako ni chairman William Ramirez ang suporta ng PSC para sa 2020 ASEAN Paragames na ihu-host sa Enero ng susunod na taon.