Roland Garcia tutumbok sa Abu Dhabi 9-ball open

Roland Garcia tutumbok sa Abu Dhabi 9-ball open

Roland Garcia tutumbok sa Abu Dhabi 9-ball open

Roland Garcia tutumbok sa Abu Dhabi 9-ball open

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

MANILA---Ipapamalas ni Roland Garcia ng Pilipinas ang kanyang hausay sa ibabaw ng billiard table sa pagtulak ng money-rich Abu Dhabi Open 9-Ball Championship na iinog sa Nobyembre 8 hanggang 11, 2021 na gaganapin sa Power Break Billiard Hall sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.
Ang 40 years old Magalang, Pampanga cue wizard ay nagtatangka ng panibagong titulo sa world stage bago matapos ang taong ito.


Naniniwala si Garcia na kung papalarin siyang manalo sa Abu Dhabi Openay magpapalakas sa kanyang morale partikular na sa world stage arena.
"I prepared for the Abu Dhabi Open because this is one of the biggest tournaments before the year ends," sabi ni Garcia na nagkampeon sa Wichita Ten Ball Open at Oklahoma 9 Ball Open na parehong ginanap sa Estados Unidos sa taong ito.
Ating magugunita si Garcia ay nag runner-up place kay eventual champion at compatriot Carlo Biado sa 2017 World 9-ball Championships sa Doha, Qatar.
Ang iba pang Filipino cue masters na lalahok sa Abu Dhabi ay sina Biado, Armando "Agila" Cagol, Demosthenes Pulpul, Jordan Bañares, Ivan Maluto, Harry Vergara, Arnel Bautista, Oliver Medenilla, Mac Kalagayan, Bong Sotero at Kyle Amorato.
Ayon kay Abu Dhabi based Pinoy organizer Jayson Nuguid kung saan ang 46,000 aed (United Arab Emirates dirham) event ay may pabuyang 20,000 aed (United Arab Emirates dirham) sa magkakampeon.