Ang mga tropang tulad sa kalibre ng Milwaukee Bucks ay hindi pa nasi-zero sa NBA playoffs.
Ito'y posibleng magbago ngayong Linggo (Lunes sa Manila).
Nasa hukay ngayon ng eliminasyon ang Milwaukee na kailangang akyatin ang matarik na 3-0 ng Miami Heat sa kanilang Eastern Conference semifinal series. Pwede nang ikandado ng Heat — at makalikha ng bahagyang kasaysayan - na hangad na wakasan ang kanilang ikalawang magkasunod na pagwalis dito sa playoffs.
“The job ain’t done yet,” bulalas ni Miami’s Jimmy Butler.
Ang Bucks ang No. 1 seed sa East; ang No. 1 seed sa Western Conference, ang Los Angeles Lakers, ay nasa masalimuot na hinaharap, bagamat ang sitwasyong nakatuong kagaya ng sa Milwaukee sa ngayon.
Laglag ang Lakers sa Game 1 ng kanilang West semifinal series sa Houston 112-97 Biyernes, kung saan nakatakda ang Game 2 ngayong Linggo ng gabi.
It’s only one game. ... Got to get ready for Game 2,” wika ni Rockets guard James Harden . “We’ll have to be even better in Game 2.”
Kailangang agresibo ang Bucks sa Game 4, kung ayaw nilang mapag-iwanan.
Nasa kamay na nila ang Game 3 nung Biyernes na tumibag ng 14 bentahe sa third quarter at 12 sa simula ng huling kanto. At nang umalagwa si Butler, kumana ng 17 points sa fourth, na-out scored ng Heat ang Bucks 40-13 sa yugto at wagi ang Miami. 115-100 para ilista ang 3-0 lead.
Bago ang Biyernes, ang teams ay dapa ng eksaktong 12 points papunta sa huling yugto ng laro ngayong season ay talo ng 39 sa loob ng 43 beses o 91%. Sa playoffs, ang tropa ay ungos ng 12 o higit pang puntos matapos amg tatlong quarters ay 131-1 buhat noong April 2016.
Ngunit hindi natapos ng Bucks at ngayo'y butas sa 0-3, na wala sa mga NBA team ang matagumpay na nakabalik.
“Might as well make history while you’re doing it, cap off a great season here,” ani Bucks guard George Hill. “It’s the first time in the history of the NBA we’re playing in a bubble. First time that a team can come back down from 3-0. We’ve got to trust each other, continue to believe. The season’s not over.” (LP/AP)