Sinandalan ng TnT Katropa ang malaking ratsada sa ikatlong kanto para kabigin ang Game 3 at iiskor ang 101-97 panalo kontra Meralco at isang hakbang na lang na abutin ang kampeonato sa PBA Governors Cup Huwebes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Ginapas ng Barangay Ginebra ang kanilang pagka-agresibo para tibagin ang 113-88 panalo sa Game Two at pagrolyo ng 132-105 victory para igapos ang 2-1 lead kontra NorthPort sa PBA Governors Cup best-of-five semifinal showdown Miyerkoles sa Smart Araneta Coliseum. Swabe sa puntusan ang Batang Pier ngunit higit na asintado ang Gin Kings tungo sa pagdikta ng laro matapos ang kanilang 90-124 kabiguan sa pagsisimula ng serye.
Ang pagpupumiglas ni Allen Durham ang nagsilbing pangbatak sa pagtipa ng triple-double para kabigin ng Bolts ang 114-94 panalo laban sa namutlang TNT KaTropa Martes para itabla ang kanilang PBA Governors Cup semifinal series sa tmSmart Araneta Coliseum.