Mike 'Bad Boy'Tyson desperadong makabalik sa ibabaw ng ring!

Mike 'Bad Boy'Tyson desperadong makabalik sa ibabaw ng ring!

Mike 'Bad Boy'Tyson desperadong makabalik sa ibabaw ng ring!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Desperado  si dating World Heavyweight champion Mike Tyson na muling makabalik sa ibabaw ng lona, basta't hanggang tinatanaw pa rin siya ng kanyang fans sa buong mundo.
 
Huling namataan ang  former undisputed heavyweight champion sa boxing ring, nang siya'y tumalilis sa kanyang ikalawang sunod na talo kay  Kevin McBride matapos mabigo kontra Danny Williams.
 
Hinarap ni Tyson si Williams taong  2004 at nagwakas sa pagkatalo via TKO. 
 
Makaraang dumanas ng  stoppage loss kay McBride, isinabit ni Iron Mike ang kanyang gloves para sa kanyang ikabubuti. 
 
Gayunman,  tila gusto pa ring tuntunin ng 53-year-old  ang muling makabalik sa boxing ring sa lalong madaling panahon.  
Kamakailan lang ay nagpahiwatig siya ng interes na sumali sa isang exhibition fights. Ang kikitain mula dito ay mapupunta sa isang mapagkawanggawang  organisasyon.
 
Ibinahagi ni Tyson ang kanyang progreso sa mga fan  via social media. At masisilayang tila nasa magandang kindisyon. Si MMA coach Rafael Cordeiro ang nangungunang makabalik si Tyson sa kanyang fighting shape.
 
“That’s all I’ve been doing, getting into shape. I feel unstoppable now. I feel the same again. The gods of war ignited my ego and want me to go to war again. Imagine if I went out there and fought and I could help all these people we talked about,” ani Mike Tyson sa  Live stream sa social media.
 
Hindi na nakagugulat, di na tatagal para sa tsansang  simulang kumatok sa pintuan ni Tyson. Gayunman, ang makatanggap ng alok sa laban kasama ang  Bare Knuckle Fighting Championship sa tumataginting na $20 million, ay nakakasorpresa. 
 
Gayunman,  ang ambisyon ni Tyson ay nagpataas ng kilay sa sirkito ng boksing. Marami ang nagtataka kung si  Tyson ay nilalagay sa sariling  panganib ang posibleng seryosong  injury o isyu sa kalusugan para lamang  sa gloryosong pagbabalik. 
 
“I don’t care if Mike Tyson is in the gym for the next 10 years, he has no chance against any heavyweight. I have no idea who would license him at the age of 53 if it wasn’t an exhibition match. Can’t see any governing body doing that,” hayag ni Warren sa Metro.
 
Tinukoy ni veteran promoter Frank Warren ang posibilidad ni Tyson na makipagbalyahan sa  heavyweight na lebel. Para sa kanyang konsernado na si Tyson ay posibleng danasin ang seryosong injury na maaring imposible ng bumalik kapag nagpadalos-dalos ng desisyon kapag kanain niya  ang gaya nina Anthony Joshua, Tyson Fury o Deontay Wilder. (Louis Pangilinan) 
 
Click Video :
 

https://www.youtube.com/watch?v=8fLMHLZzG9g