Mangbubulabog si former two-time boxing world heavyweight champion Mike "Bad Boy" Tyson sa AEW Double or Nothing sa May 23rd PPV.
Sa Tweet ng wrestling promotion si ‘Iron’ Mike Tyson ay hahatag sa TNT Championship sa winner ng finals sa pagitan ni Cody at Lance Archer (with Jake Roberts).
Ang AEW promotion ay nasa kanilang progresibong yugto kung ikukumpara sa ilustradong malaking pangalan na WWE. Gayunman, todo buhos ang promosyon ng pag-recruit ng mga malalaking pangalan partikular na ang makahugot ng mga idol para sa part-time appearances.
Ngayong nakahukay sila ng ginto at may boxing royalty sa presensiya ni Mike Tyson sa kanilang ikalawang taunang Double or Nothing PPV.
Si ‘Iron’ ay hindi na estranghero sa pro wrestling. Siya ay naginh WWE Hall of Fame Ring bilang bahagi ng celebrity wing. Pasikat din siya Wrestlemania 14 bilang enforcer para sa Shawn Michaels vs Stone Cold main event at knocked out ‘The Heartbreak Kid’
matapos ang match.
Sa huli, naging guest host at reunited kay DX. Sa naturang gabi ng kaganapan, ni-knocked out niya si Chris Jericho para wakasan ang yugto ng Monday Night Raw. Ito'y laro sa kanyang unofficial status bilang miyembro ng DX sa late 90s. Ligtas na sabihing Safe na ang ‘Y2J’ na hindi ito makalilimutan at makikita natin ang skit sa pagitan ni ‘Iron’ at ‘Le Champion.’
Nasa event si Jericho bilang bahagi ng Stadium Stampede match sa pagitan ng Inner Circle at Elite.
Bagamat ito'y isa lamang wishful thinking. Ito'y sa kadahilanang ang AEW ay tanging nakumpirma lang ang appearance ni ‘Iron’ sa punto ng main event.
Ang One competitor at AEW stakeholder Cody ay nag-tweet sa kanyang excitement bilang parte ng tournament at karangalang matapos ito.
Gagawa kaya ng sorpresa si Mike Tyson at ma-knock out ang sinuman sa AEW talent?
Magsisilbi kaya siyang panabla sa ‘The American Nightmare’ at tulungang makipag-deal kay Jake Roberts?
Pero isa ang sigurado ang "The Baddest Man on the Planet’ ay pihadong mapupuno ng eksena at drama ng kasamaan. (Louis Pangilinan)