Buzzer-beater ni Newsome tsinibog ang Dyip

Buzzer-beater ni Newsome tsinibog ang Dyip

PBA

Buzzer-beater ni Newsome tsinibog ang Dyip

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
 
SMART CLARK GIGA CITY -Sumandig ang liwanag para sa Meralco  sa kamay ng kanilang  best player. Muling kinabig ni Chris Newsome ang nararapat na laro sa kinakailangang pagkakataon, bumira ng fadeaway jumper kasabay sa pagtunog ng buzzer para hawiin ng Bolts ang makalaglag pusong  95-93 panalo kontra fighting Terrafirma, Linggo sa  PBA Philippine Cup sa Angeles University Foundation gym (powered by Smart 5G).
 
Tabla ang iskor sa  93-93, may pitong segundo ang nalalabi, suwabeng natanggap ni  Newsome ang bola buhat kay  Baser Amer mula sa ibabaw ng pondohan at umarya kontra CJ Perez, todong sumugod sa hoop bago tinuldukan ang patusok na  jumper na nagpalaylay sa dibdib sa puso ng Dyip.
 
Ang endgame heroic ang tumagpos sa Dyip para makasilo ng mayoryang pagsilat at mapanatili ang boltahe ng Meralco na makatuntong sa  Top 4 sa playoffs.
 
Tinabas ng Meralco ang kanilang rekord sa 6-4, sa loob lang ng  24 oras matapos namnamin ang 79-92 loss pagkatalo sa kapatid na TnT Tropang Giga.
 
Sinabi ni Coach Norman Black na walang dudang makakaarangkada ang tropa sa tinitingalang kampanya sa kampeonato.
 
"I just put the ball in the hands of Newsome. He is our best player this conference. I just put the ball in his hands and gave him a chance to make a play. Fortunately, he was able to make that shot in the baseline to win the game for us," sambit ng champion coach.
 
Kumatas si Raymond Almazan ng  double-double na 15 points at  10 rebounds para sa Bolts, na humugot ng 14 points, walong rebounds, at apat na assists mula kay sophomore guard Bong Quinto.
 
Nagdagdag si Newsome ng 12 markers, samantalang bumawi mula sa maagang supalpal sa kanya ni Perez sa pagpukol ng  winning basket para sa Meralco. (LP/PBA)
 
photo courtesy : PBA.PH 
 
The scores:
 
Meralco (95) -- Almazan 15, Quinto 14, Newsome 12, Black 11, Maliksi 11, Faundo 10, Hodge 8, Amer 8, Jamito 6, Salva 0, Pinto 0.
 
Terrafirma (93) -- Perez 21, Tiongson 21, Cahilig 9, Celda 7, Camson 7, Adams 6, Khobuntin 6, Calvo 5, Balagasay 4, Ramos 3, Faundo 2, Agovida 2, Gabayni 0, McCarthy 0.
 
Quarterscores: 29-17; 51-36; 76-66; 95-93.