Kings minaltrato ang Dyip, hugot ang unahan

Kings minaltrato ang Dyip, hugot ang unahan

Kings minaltrato ang Dyip, hugot ang unahan
PBA

Kings minaltrato ang Dyip, hugot ang unahan

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

SMART Clark Giga City. - Ipinamalas ng
Barangay Ginebra ang naiibang postura na minsa'y kanilang ibinalandra sa huling pasada at imaltrato ang Terra Firma Dyip 102-80 para maikandado ang unahan sa tournament quarterfinals sa Smart 5G-powered AUF Sports Arena sa Angeles City, Pampanga.

Pinamunuan ni Japeth Aguilar ang balanseng opensiba sa bisa ng perpektong 10-of-10 field shooting para binuong 21 points para pumutok ang arangkada ng Ginebra sa ikalawang kantong paglobo, 61-37 at kampanteng 95-76 ungos, 3:50 na lang.

Nagawang magnaniobra ng Dyip para tapyasin ang bentahe ng Kings sa walo sa ikatlong yugto pero saglit namang winaswas ng Ginebra ang pagbabanta bago kinumpleto ang tinding resbak buhat sa 66-81 kabiguan sa San Miguel Beer nito lang Linggo at ang eliminations sa kartadang 8-3.

Ang dating co-leader TNT ay puwedeng makatabla sa Ginebra sakaling mamayani ang Tropang Giga kontra Rain or Shine, Martes, ngunit ang Kings ay maaring numero uno pa rin sa mandato ng winner-over-the-other rule.

Matapos na ang kanyang tropa ay agad na masipat ang target sa ikaapat na laro sa loob ng limang araw, buong papuri si coach Tim Cone sa kanyang alipores sa ipinakitang suwabeng paglalaro.

"I knew that they want to bounce back and come back hard. They knew how important this game was for us," bulalas ni Cone.

"I thought we played with a real purpose tonight in terms of doing what we want to do. Again, we knew how important this game was for us."

The Scores:

BARANGAY GINEBRA 102 - Aguilar 21, Mariano 17, Pringle 14, Thompson 13, Chan 9, Caperal 9, Tenorio 8, Dillinger 5, Dela Cruz 4, Tolentino 2, Balanza 0.

TERRA FIRMA 80 - Ramos 15, Perez 16, Tiongson 16, Camson 8, Celda 8, Cahilig 6, Khobuntin 5, Calvo 4, Faundo 2, Gabayni 0, Agovida 0, Batiller 0, Balagasay 0.

Quarters: 26-23; 61-37; 77-67; 102-80.