Todo hataw si Poy Erram, matikas sa kanyang game career habang swabeng nilagdaan nina Rayray Parks at Troy Rosario ang kinakailangang ayuda matapos agad na kinontrol ng Tropang Giga ang laro tungo sa pagbulabog sa nalangong Beermen, 107-88 sa PBA Philippine Cup sa AUF Gym, Angeles City, Pampanga.
Maituturing na pinaka- lopsided win sa bubble, pansamantalang kinonekta ng TNT ang solong pamumuno sa kanilang 'alang bahid na 3-0 baraha habang ninamnam ng SMB ang kanilang ikalawang sunod na talo sa kabuuang 1-2 marka.
Halos hindi nauubusan ng load
ang Tropang Giga hanggang sa huli matapos ilista ang lopsided win sa karibal na korporasyon.
"We're just happy about our performance," palatak ni coach Bong Ravena.
Sinasamantala lang siguro namin 'yung opponent because I think hindi pa sila fine-tuned," ani pa Ravena. "I know how they play and we know they're gonna come out (strong) and we're just lucky we pulled through."
Kumbinasyon ng lugmok na desisyon, malas at iba pang factor ang ikinabasag ng SMB at sa lusaw na taktika ng limang Beermen ang tumusok ng doble pigura sa pamumuno ng 15 puntos ni Alex Cabagnot.
Si Mo Tautuua, na uma-average ng 18.5 at 11 rebounds sa laro, ay halos hindi naramdaman sa ngayon.
Umiskor ang Fil-Tongan ng unang dalawang baskets mula sa jumper, ngunit lumagak ng tatlong fouls habang wala pa halos sa tatlong minuto.
Bumalik siya sa ikalawang yugto at agad na tumagay ng ikaapat na panibagong opensibang foul, na gumayat lang ng siyam na puntos, limang kalawit at anim na turnover.
Karagdagang pasakit sa Beermen ay nang mabaliko ang kanang tuhod ni Chris Ross makaraang lumanding si Parks sa kanyang paa, 8:56 sa second quarter na nagpagiwang sa kanyang performance hanggang sa hulihan ng aksyon.
Nasaktan din ang kanang balikat ni Terrence Romeo at isinugod sa ospital kasunod ng banggaan nila ni Ryan Reyes, apat na minuto lang ang nakalipas.
Hindi rin tinakasan ng malas ang TNT kung saan si Roger Pogoy, na umiskor ng tournament-best 45 points sa opening win sa Alaska, ay nabisaklat ang kanyang kaliwang bukong bukong may 28 seconds sa huling kanto at nabangko na matapos ang laro.
Ang pagkawala ni Pogoy ay hindi na napansin kung saan pinangko ni Erram ang giyera sa TNT na may career-high 27 points at 15 rebounds para sa kanyang double-double ng torneo habang si Parks ay nag-ambag ng 22 at 6. Si Rosario ay may
16 at 8 at Jayson Castro ay may silensiyong 11 points at 11 assists.
(LP/PBA)
Photo credit : PBA.PH
Iskor:
TNT 107 - Erram 27, Parks 22, Rosario 6, Pogoy 15, Castro 11, Enciso 10, Reyes 3, Flores 3, Carey 0, De Leon 0, Alejanro 0, Semerad 0, Montalbo 0, Vosotros 0, Washington 0.
SMB 88 - Cabagnot 15, Lassiter 14, Ross 13, Romeo 11, Santos 11, Tautuaa 9, Zamar 5, Pessumal 3, Mamaril 2, Gamalinda 2, Escoto 2, De Guzman 1, Alolino 0, Vigil 0, Comboy 0.
Quarters: 30-18, 57-38, 92-70, 107-88