Naitatak ng Blackwater Elite ang kanilang ikalawang tagumpay sa PBA Philippine Cup matapos ilampaso ang NLEX, 98-88, Sabado, sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Angeles City, Pampanga.
Parang nakawala sa kural ang Elite pagdating ng ikatlong kanto matapos isabog ang 35 puntos na nagsilbing daan para ihatag sa Road Warriors ang pagdiskaril sa naturang bubble play.
"It's a combination of us playing well offensively as a team and sharing the ball and maybe the other team committing a breakdown defensively. But it's nice in a way we're able to score at will in the third quarter," sambit ni Blackwater coach Nash Racela
Kumastigo nang tuluyan ang Blackwater sa third at halbusin ang 46-all halftime count diretso sa maalab na resbak buhat sa 99-103 kabiguan sa Barangay Ginebra, Huwebes.
Nasa ikalawang linggo na ng bubble play, nasa tamang landas ang Blackwater sa maagang pangunguna na may 2-1 win-loss card. Episyente at madulas ang Elite sa kanilang unang panalo kontra NorthPort Batang Pier, 96-89, nung Oct. 12.
Kinalag ni Don Trollano ang bibihirang double-double game na may 18 points at 11 markers habang si KG Canaleta ay may sariling 18-point outing buhat sa bench kung saan inilatag ng Blackwater sa NLEX ang ikatlong sunod na talo.
Panibagong sorry loss para kay coach Yeng Guiao at kanyang tropa ang kabiguan matapos tambakan ng 22-puntos sa talo nila sa Magnolia Hotshots sa huling laban. Ang buwenamanong talo nila ay galing sa kamay ng Barangay Ginebra Kings.
Sina backcourt players Roi Sumang at Ed Daquiaog ay kumalag din ng double-digit outputs, para sa pinagsamang 23 markers, 14 assists at 10 rebounds, magandang umpisa para sa kanilang bagong coach.
Blackwater 98 – Canaleta 18 , Trollano 18 , Sumang 13 , Daquioag 10 , Golla 8 , Desiderio 7, Belo 7 , Tolomia 6 , Salem 5 , Magat 3 , Gabriel 2 , Escoto 1 , Dennison 0
NLEX 88 - Ayonayon 20 , Ravena 17 , Alas 13 , Soyud 13 , Porter 9 , McAloney 6, Galanza 5 , Quinahan 5 , Ighalo 0 , Miranda 0 , Paniamogan 0 , Semerad 0 ,
Quarters : 17-15, 46-46,81-62, 98-88
(Photo Credit by pba.ph)