by Marlon Bernardino
Final Standings:
(Men's division)
8 points---Ebennezer Batul
6.5 points---Ronald Agcaoili, Chester Mendoza
6 points---Joel Osorio
3 points---Miguel Diaz
(Women's division)
10 points---Dapne Ruiz
7 points---Glaiza Orteza
6 points---Jenalyn Nabua
5 points---Shelrilyn Hernandez
2 points---Irene Palubos
Pinakita ni Ebennezer "Venz" Batul ng Mariveles, Bataan na hari pa din siya sa ibabaw ng 64 square board matapos dominahin ang 10th Inter-Regional Sportsfest for Luzon Commission on Audit (COA) Chess Tournament na ginanap sa Ilagan Hotel sa Ilagan City, Isabela mula 2-6, 2020 kung saan nasilyan ang limang (5) lumahok na region mula 1, 2, 3, 4A at 4B.
Si Batul na isang State Auditor II sa COA 3 ang itinanghal na kampeon sa men's division na may naitalang 8 points, sumunod sina second place Ronald Agcaoili at 3rd place Chester Mendoza na may tig 6.5 points. Tumapos naman si Joel Osorio sa fourth na may 6 points at Miguel Diaz na nasa fifth place na may 3 points.
Sa women's play ay kinumpleto naman ni Dapne Ruiz na isang State Auditor II ng COA Region 3 ang double celebration matapos mag reyna sa kanyang division na may perfect 10 points.
Ang iba pang kalahok ay sina 2nd place Glaiza Orteza (7 points), 3rd place Jenalyn Nabua ( 6 points),4th place Shelrilyn Hernandez (5 points) at 5th place Irene Palubos (2 points).
Sina Batul at Ruiz mula Region 3 ang kakatawan sa Luzon group para sa National COA games sa MayoSina 2-8, 2020.
Sina Batul at Ruiz ay nagpapasalamat sa suportang binigay sa kanilang kampanya nina Regional Director Ms. Lynn S.F. Sicangco at Asst. RD Ms. Chona Laxamana maging sina chess team managers Ms. Madonna Atencion at Mam Adora Ramos, chess team coordinators Mam Emma Talens at Mam Evelyn Manangkil
at chess coach Joemar Morales. -Marlon Bernardino-