Pamangkin ni GM Paragua nagkasya sa second sa FIDE World Cadets Chess tourney

Pamangkin ni GM Paragua nagkasya sa second sa FIDE World Cadets Chess tourney

Pamangkin ni GM Paragua nagkasya sa second sa FIDE World Cadets Chess tourney

Pamangkin ni GM Paragua nagkasya sa second sa FIDE World Cadets Chess tourney

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

MANILA, Philippines---Nabigo si Megan Althea Obrero Paragua ng Estados Unidos kontra kay Devindya Oshini Gunawardhana ng Sri Lanka, 0.5-1.5, sa finals at magkasya sa runner-up trophy ng FIDE World Cadets and Youth Rapid Chess Championships Girls 10 and under virtually na naganap Martes ng madaling araw, Agosto 31, 2021 sa Tornelo Platform.


Napalaban ng husto si Megan Althea na napuwersa sa tabla sa first game ng kanilang two-game regulation play matapos ang 78 moves ng Sicilian defense, o kelly variation subalit natalo sa second match matapos ang 69 moves ng Reti Opening.
Naka abante si Megan Althea na pamangkin ni Grandmaster Mark Callano Paragua sa finals matapos talunin sina Emilie Alfano ng France (2-1) sa Round of 16, Aadhya Jain ng India (2-0) sa Round of 8 at Khusbu Warsia ng Bangladesh (2-0) sa Round of 4.
Sa katunayan ay talo si Megan Althea sa Round of 8 at sa Round of 4 subalit nag desisyon ang organizing committee na baguhin ang resulta.
Nagbigay ng pahayag si Jan Vincent Paragua na nakababatang kapatid ni GM Mark sa kanyang anak: " Marami pang susunod na pagkakataon sa over the board tournament,"
Nagpa abot din ng mensahe si National Chess Federation of the Philippines Chairman/ President Senior Deputy Speaker Prospero "Butch" Arreza Pichay Jr. kay Megan Althea bago ang championships match "Wishing you all the best and good luck! You have made all the Filipino chess players very proud of what you have done. We know that you can make it. Laban lang Megan, kaya mo yan,"
Inorganisa ng FIDE (World Chess Tournament) na tampok ang 156 players at 80 countries worldwide.