SMART Clark Giga City -- Sa isang punto sa kaagahan ng huling kanto, di napigilang komprontahin ni Phoenix Super LPG coach Topex Robinson ang referee sa malalintang pagdepensa kay Calvin Abueva na drinowing ng kanyang Alaska defender.
Napanatili ng Aces ang kanilang komposyur at pokus tungo sa kanilang come-from-behind 105-97 pagsilab kontra Fuel Masters sa PBA Philippine Cup bubble action sa AUF Sports Arena Powered by Smart 5G sa Angeles, Pampanga, Huwebes.
Binura ni Vic Manuel at kanyang katropa ang 14-point deficit at ibulid ang kanilang sariling double-digit na bentahe sa krusyal na pagbalikwas patungo sa pang- limang panalo kontra sa tatlong talo.
"I can't be prouder because we showed the resiliency we're talking about," wika ni Alaska coach Jeff Cariaso.
Minaniobra ang giyera sa huling yugto at tuluyang nahugot, para idikit na ng Aces ang karapatang makapasok sa quarterfinals habang itinuhog ang Fuel Masters sa 4-3 kartada.
Kinaltok ni Manuel ang tamang timpla sa pinakaantisipang duwelo kay Abueva, sa paglatag sa Aces ng may 24 points karagdagan ang pitong kalawit at tatlong assists.
"Ready lang ako lagi, at kailangan din naman talagang mag-lead lalo na sa endgame. Maganda ang naging resulta," ani Manuel.
Naging malaking susi din si Mike Digregorio sa kanyang crucial three-point pasabog na syang sumundot sa kanilang pagratsada. Ang Alaska prized trade recruit ay kumatas ng 21 puntos na sinaniban ng 4-of-7 treys.
"Diniskas ni coach sa fourth quarter yung opensa namin. Nag-respond lahat, maganda ang ball movement at nakakuha kami ng open shots," ani Manuel.(LP/PBA)
The scores:
Alaska 105 - Manuel 24, Digregorio21, Casio 13, Herndon 12, Teng 9, Brondial 8,Ayaay 6, Tratter 5, Ebona 4, Ahanmisi 3, Marcelino0, Galliguez 0, Publico 0, Adrada 0.
Phoenix 97- Wright 27, Abueva 18, Chua 15, Perkins 10, Jazul 9, Intal 8, Garcia 7, Marcelo 2, Heruela 1, Gamboa 0, Reyes 0, Napoles 0, Rios 0.
Quarters:19-29, 49-55,71-75,105-97.