Si Allein Maliksi ang tumapos sa inumpisahan pasiklab ni Raymar Jose nang talunin ng Meralco ang Rain or Shine, 103-95, para sa agresibong pagpinid sa kampanya nito sa PBA On Tour Biyernes sa Ynares Sports Arena.
Humakot si Maliksi ng 13 sa kanyang 18 puntos sa huling kanto habang nakipag-partner siya kay Jose para sa nanlilisik na 14-3 ekplosyon at burahin ang 92-89 lead ng Elasto Painters.
Kumaldag si Jose na may team-high 22 puntos at 18 rebounds, kabilang ang 16 puntos sa unang kalahati, na nakakuha sa kanya ng espesyal na pagbanggit mula kay coach Luigi Trillo sa post game presser.
"Toto Jose stepped up with Cliff Hodge not around," sabi ni Trillo, na bumalik sa pag-coach sa Bolts pagkatapos ng maikling pahinga mula sa U.S.
Si Raymond Almazan ay mayroon ding double-double na 18 puntos at 15 rebounds para sa Bolts, na nagtapos na may 7-4 record sa preseason meet na ipinakita ng Arena Plus at itinaguyod ng Bingo Plus.
Dismayadong kabiguan naman ito para sa Rain or Shine, na nanguna, 92-89, sa dalawang free throws ni Mac Belo bago nakalusot ang Meralco sa backbreaking run.
Sinira rin nito ang 22 puntos ni Belo mula nang tromopa sa Rain or Shine matapos makipag-break sa dating team Meralco.
Tinapos ng Elasto Painters ang kanilang kampanya na may 8-3 record bago ang kanilang pag-alis sa Jones Cup. (Louis Pangilinan/PBA)
Iskor:
Meralco (103) – Jose 22, Almazan 18, Maliksi 18, Black 15, Pasaol 12, Dario 9, Quinto 5, Rios 2, Pascual 2, Torres 0.
Rain or Shine (95) – Belo 22, Santillan 13, Mamuyac 11, Caracut 11, Demusis 10, Belga 9, Clarito 6, Asistio 5, Nambatac 4, Ildefonso 2, Ponferada 2, Borboran 0.
Quarterscores: 26-22; 55-50; 73-71; 103-95.