Eriobu, Laput  lider ng  Magnolia para sa  11-game sweep vs Terrafirma, 106-92

Eriobu, Laput  lider ng  Magnolia para sa  11-game sweep vs Terrafirma, 106-92

PBA

Eriobu, Laput  lider ng  Magnolia para sa  11-game sweep vs Terrafirma, 106-92

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
 
 nI Louis Pangilinan
 
Matikas na umariba arg MAGNOLIA buhat sa hindi malamang  pinagmulan para hagupitin  ang Terrafirma, 106-92, Miyerkules at kumpletuhin ang 11-game sweep ng PBA On Tour sa FilOil EcoOil Center sa San Juan City.
 
Kinupkop ni James Laput ang  double-double na 16 puntos at 11 rebounds, bagamat  si Joseph Eriobu ang nagningning nang husto sa pamamagitan ng pag-iskor ng lahat ng 15 puntos niya sa second half na nagpalakas sa Hotshots mula sa gitgitang giyera tungo sa  runaway win sa preseason series na ipinakita ng Arena Plus at itinaguyod ng Bingo.
 
 
Para kay Eriobu, na halos gumugol ng huling tatlong taon sa mga 3x3 na kumpetisyon matapos ibagsak ng Blackwater, ito'y kalakip ng  pagsisikap na sulitin ang pagkakataong ibinigay sa kanya ni Magnolia coach Chito Victolero na tuluyang makabalik sa 5x5.
 
"Sobrang halaga ng ibinibigay ni coach Chito na opportunity," sambit ng  31-year-old Fil-Nigerian.
 
"Kasi under observation ako ngayon so ang iniisip ko lang, kagaya kanina, pag ipasok ako kailangan may magawa ako sa court, 'yung mga intangibles. Iyun palagi ang ni-re-remind sa amin, 'yung itangibles and hustle sa depensa." 
 
Ani pa  Eriobu na lubos niyang itinanim ang mind-set na payo sa kanya ni  Victolero sa koponan.
 "Ang sabi ni coach, small battles kailangan naming manalo... para sa darating na season madala namin ito, 'yung mga tamang ginagawa namin dito sa PBA On Tour," aniya. (Louis Pangilinan/PBA)
 
Iskor:
 
Magnolia (106) - Laput 16, Eriobu 15, Barroca 12, Dionisio 10, Dela Rosa 9, Escoto 8, Ahanmisi 6, Murrell 6, Mendoza 6, Reavis 4, Tratter 4, Abueva 4, Corpuz 3, Jalalon 3.
 
Terrafirma (92) - Cahilig 14, De Liano 14, Camson 13, Tiongson 12, Alolino 12, Go 10, Calvo 9, Daquioag 8, Alanes 0, Grospe 0.
 
Quarterscores: 24-17; 48-42; 72-69; 106-92.