Fuel Masters sinindihan ang ika-2 sunod na panalo, silat ang Gin Kings!

Fuel Masters sinindihan ang ika-2 sunod na panalo, silat ang Gin Kings!

PBA

Fuel Masters sinindihan ang ika-2 sunod na panalo, silat ang Gin Kings!

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Matapos ang huling maalab na panalo kontra NLEX, nagsiklab ang Phoenix Super LPG para ikandado ang malaking pagsilat laban sa crowd favorite Barangay Ginebra, 101-93 sa PBA Commissioner's Cup Biyernes sa Smart Araneta Coliseum.

 

Kagaya ng kanilang 111-97 pagdiskaril sa Road Warriors, inilatag ni import Kaleb Wesson, beteranong Sean Anthony, RJ Jazul at Jvee Mocon at bagitong sina Tyler Tio at Encho Serrano para sa ibayong pasada at hiyain ang Ginebra tungo sa pagsindi ng ikatlong sunod na panalo makaraan ang tagumpay versus Meralco at Bay Area Dragons.

 

Adelantado ang Fuel Masters sa anumang taktika sa kabila ng intimidasyon ni Justin Brownlee at matitikas na lokal ng Ginebra.

"It all boils down to trust. We're trying to create an environment in our team where mistakes are allowed. It gives them confidence, like Encho Serrano. They're playing their hearts out," sambit ni Phoenix coach Topex Robinson.

Bumanat si Mocon ng team-high 20 points, dagdag si Tyler Tio ng 17, habol ng 16 si Serrano at Wesson (15 markers at 17 rebounds) at Anthony (14 at 13) ay may doble-dobleng numero para sa Fuel Masters kung saan ngayon ay nasa ibabaw matapos bombahin ang kanilang tatlong asignatura laban sa
NorthPort, Blackwater at ng Bay Area Dragons. (Louis Pangilinan/PBA)

Iskor:
Phoenix 101 - Mocon 20, Tio 17, Serrano 16, Wesson 15, Anthony 14, Jazul 7, Manganti 5, Garcia 3, Pascual 2, Lojera 2, Camacho 0, Muyang 0, Lalata 0.

Ginebra 93 - Pringle 25, Brownlee 23, Malonzo 13, Thompson 11, J.Aguilar 7, Tenorio 7, Standhardinger 6, Gray 1, Pessumal 0, Mariano 0.

Quarters: 16-23, 45-48, 74-77, 101-93.