Lihim ni Hidilyn ibubunyag sa TOPS

Lihim ni Hidilyn ibubunyag sa TOPS

ANO nga ba ang sikreto sa likod ng tinatamasang tagumpay ni Rio Olympian/Asiad gold medalist Hidilyn Diaz,  boxing champion Jerwin Ancajas at PBA team Talk N Text?     
 
Ito ang mainit na tutugunan ni Well-known nutrionist/dietitian Jeaneth Aro sa kanyang espesyal na presensiya sa 43rd "Usapang Sports" ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS)  bukas (Oct. 10) sa National Press Club.
 
Tatalakayin ni Aro ang kahalagahan ng tamang nutrisyon at Aro diet para sa Filpino athletes na nakatakdang sumabak sa 30th Southeast Asian Games sa Manila sa Nobyembre 30-Disyembre 11.
 
Isang BS Nutrition graduate sa University of the Philippines-Dliiman, si Aro ang siya ring nutrition coach ni Meggie Ochoa, ang Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP), La Salle Greenhills swimming team, UST taekwondo team, at Nutrifit Philippines.
 
Iniimbitahan ni TOPS president Ed Andaya ng People‚Äôs Tonight ang lahat ng mga opisyal at members,  kasama na ang kaibigan sa sports community na dumalo sa sesyon na ipinapalabas ng live sa Facebook via Glitter Livestream.
   
 Ang TOPS ay kinabibilangan ng editors, reporters, columnists at photographers ng mga pangunahing national tabloids sa bansa. (Louis Pangilinan)