Perkins, Phoenix pinisak ang 3-game win streak ng Terrafirma

Perkins, Phoenix pinisak ang 3-game win streak ng Terrafirma

PBA

Perkins, Phoenix pinisak ang 3-game win streak ng Terrafirma

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Nagawang humulagpos ng Phoenix Super LPG sa anumang disgrasya para bugahan ang dominanteng  96-84 kontra sa naunang pananalasa ng Terrafirma,  Huwebes sa PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State U Gym,  Bacolor, Pampanga.
 
Bumuhos si Jason Perkins ng  game-high 28 points habang nagdagdag si Vic Manuel ng 18 points mula sa bench sa pagdala ng tamang timpladang opensa tungo sa pagsalansan ng  18-point ungos laban sa Dyip na kagagaling sa tatlong sunod na panalo. 
 
 
Maging sina Matthew Wright at Michael Calisaan  ay nagsanib sa pananalasa na may pinagsamang  24 points para tubusin ang Phoenix mula sa 76-94 pagkatalo sa  NLEX noong nakalipas na Biyernes at habihin ang 3-5 record overall para tumabla sa kanilang biktima.
 
"We were just executing, playing basketball like we do," ani Perkins na nagpasabog ng  20 puntos sa unang kabanata lang,  pantayan si Manuel para sa pinakamaraming buslo sa unang parte ng komperensiya. Nahablot ni Manuel ang kanyang lakas sa 101-93 win laban sa  former team Alaska noong July 24.
 
"We have a great offense," ani pa Perkins, na bumatak ng 10 sa kanyang  17 shots. "(Assistant) coach Jon (Jacinto), he runs a great offense and we're just doing it, moving the ball around, executing and passing the ball to the open man." (LP/PBA)
 
 
The scores:
 
Phoenix 96 - Perkins 28, Manuel 18, Wright 15, Calisaan 9, Chua 9, Jazul 7, Banchero 4, Garcia 4, Pascual 2, Faundo 0, Muyang 0, Melecio 0, Demusis 0, Tamsi 0, Rios 0.
 
Terrafirma 84 - Ramos 13, Adams 11, Camson 11, Gabayni 11, McCrathy 10, Tiongson 8, Laput 4, Cahilig 4, Rosser 4, Calvo 3, Batiller 3, Celda 2, Alolino 0, Balangasay 0.
 
Quarters: 24-17, 47-48, 69-64, 96-84