Lucky charm nga ba si Gordon Hayward noong nagbalik-aksyon sa Celtics .Hayward ay naging bahagi na ng Boston teams na nagtaguyod diretso sa Eastern Conference finals ng dalawang beses sa loob ng tatlong seasons.
Balik si Hayward sa rotasyon ng Celtics sa Game 3 , 4 at 5 ng kanilang East title series kontra Miami Heat Sabado ng gabi, matapos na mawala ng 'sang buwan habang nagpapagaling buhat sa right ankle sprain. Ito ang una niyang paglaro sa East finals game; hindi naging aktibo sa lahat ng pitong Boston games sa 2018 series at sa unang dalawang taon, sa kaparehong panahon dahil sa injuries.
Bumarag ng 34 minuto si Hayward sa Game 1 ng Boston’s first-round series kontra Philadelphia nang madale ang kanyang kanang sakong. Sabi ng Celtics si Hayward ay hindi makakalaro ng di kukulangin ng apat na linggo kung saan sinasabing nasa Grade III sprain ang natamo ang pinakamatinding lebel; ang kanyang pagkawala ay mga 4 1/2 weeks, kung kayat tama lang sa tinatayang iskedyul.
“We don’t expect him to be a world-beater, but I think his presence helps us,” ani Stevens .
Si Hayward ay may anim na puntos, limang rebounds, 4 assists at 3 steals sa 31 minutes, at wagi ang Boston 117-106 noong Game 3, Umiskor naman siya ng 10pts 3 assists at 2 rebounds noong Game 5.
“I think it was really fun to be back out there with the team, with the guys,” wika ni Hayward . “I just tried to impact our team in winning ways, whatever I could do.”
Umentra si Hayward may 5:06 ang nalalabi sa opening quarter. Sabi ng Celtics ang kanyang minuto ay i-momonitor kada laro.
“He can score the ball. He can switch all the different positions. He gives us a lot of defensive flexibility there. He just gives us a lot,” hayag ni Celtics coach Brad Stevens . “And I think that he’s always been a guy that provides a great sense of stability.” (LP)