- PBA
Binigyan-parangal ng Philippine Basketball Association (PBA) ang Gilas Pilipinas team na namentina ang basketball gold medal sa nakalipas na 30th Southeast Asian Games sa bansa.
Sinamahan si PBA Commissioner Willie Marcial ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Special Assistant to the President Ryan Gregorio sa isang maikling seremonya sa halftime sa Game Two sa pagitan ng Barangay Ginebra-NorthPort Governors Cup semifinals series, Lunes.
Personal na tinanggap ang plake ng pagkilala nina Gilas coach Tim Cone, players Japeth Aguilar, Stanley Pringle, LA Tenorio, Greg Slaughter, Christian Standhardinger, at Troy Rosario, kasama sina deputies Richard Del Rosario at Joe Devance, at team manager Alfrancis Chua.
Ikatlong magkasunod na araw na kinilala ng liga ang golden feat na nahablot ng Gilas Pilipinas, kung saan kinumpleto ang four-gold sweep sa basketball competitions sa biennial meet.
Sa simula ng semis nung Sabado, ang Gilas men's 3x3 team nina Chris Newsome, Mo Tautuaa, CJ Perez, at Jason Perkins, kasama si coach Ronnie Magsanoc ay pinanarangalan naman ng PBA bilang inaugural gold medal winners ng kaganapan.(Louis Pangilinan)