- PBA
Sa kabila nang napabalitang trade sa kanya, pinatunayan pa rin ni Vic Manuel na maging trooper at makinang na lumaro at tulungan ang Alaska na manatili sa kontensiyon para sa playoffs berth sa PBA Governors Cup.
Matipuno si Manuel sa kanyang binaldosang 23 points at 10 rebounds matapos na ilugmok ng Aces ang NorthPort Batang Pier, 106-99, panalo sa ikatlong pagkakataon sa kanilang huling apat na laro.
Ito ang unang back-to-back victory para sa Alaska sa ilalim ni coach Jeff Cariaso habang ang tropa ay patuloy na umibabaw sa team standings, 3-6 record makaraaang nabigo sa kanilang unang limang asignatura sa conference.
Ang 32-year-old na si Manuel ay maraming nagagawa bilang forward mula Licab, Nueva Ecija na kontodo deliber sa magkabilang dulo ng floor, at balewala ang trade talks na kinasasangkutan niya.
Ang bilang ni Manuel sa panalo kontra NorthPort ang naghatag sa kanya para hiranging PBA Press Corps-Cignal Player of the Week mula Oct. 28 - Nov. 3.(Louis Pangilinan)