Nagbago ang mga uniporme sa loob ng ilang taon, ngunit hindi ang destinasyon.
Handa na ang matchup, kung saan ang Miami Heat at Los Angeles Lakers ang namayani bilang huling dalawang tropang tutumbukin ang inaasam na makokoronahang kampeon sa matigtig na edisyon sa kasaysayan ng NBA.
Ang Heat ang humugot ng Eastern Conference title, Linggo ng gabi nang tapusin ang Boston isang araw matapos akuin ng Lakers ang korona sa Western Conference.
Kaya't sa unang pagkakataon ang dalawang prangkisa na wala sa playoffs ng nakaraang season ang maghaharap sa NBA Finals. Ang Game 1 ng Heat-Lakers ay Miyerkules ng gabi sa Walt Disney World.
Sa pagsalamin kung saan siya tutungo at tatayo kasama ng Los Angeles Lakers, binanggit si LeBron James na kapwa ang Miami Heat at coach Erik Spoelstra bilang uukit na sa kanyang 10th career trip sa NBA Finals.
Kakalusin ni James ang ikaapat na NBA championship, gayundin ang titulo bilang pangatlo sa magkakaibang prangkisa — at maging unang player na manalo ng Finals MVP award sa isang koponan at sagupain ang kaparehong team at sa hinaharap na serye sa kampeonato.
Ang kanyang unang dalawang titulo ay nanggaling sa Miami noong 2012 at 2013, ang highlights sa apat na taong pamamalagi sa Heat na nagwakas taong 2014.
Matapos ang single, hindi matagumpay na biyahe sa NBA Finals noong 2007 sa panahon ng kanyang inisyal na pagsampa sa Cleveland Cavaliers, tumalon si James sa Heat noong 2010 free agency.
Sa ilalim ng baton ni Spoelstra, nagawa niyang igiya ang apat na magkakasunod sa NBA Finals, naipanalo ang una niyang NBA championships noong 2012 at ’13.
Tapos nag-alsa balutan siya sa Heat noong 2014 free agency, kung saan bumalik siya sa kanyang tinubuang lugar sa Ohio at makausad sa NBA Finals sa kampo ng Cavaliers mula 2015-18, at maipanalo ang 2016 championship.
Nabigo si James na maipanalo ang Finals na huling biyahe niya na rin pareho sa Heat (2014) at Cavaliers ( 2018).
“I got to get it done,” sabi niya sa natenggang championship round. Gising sa mga hamon at ang kahulugan ng naturang hamong tatahakin. (Louis Pangilinan/NBA)