Kapwa durog ang Gilas, una sa Italy, at sa ikalawang laro ay kinawawa naman sila ng walang pusong Serbia, 127-67.
Sa laban kontra Serbia wala sa 'wisyo at hindi nakitaan ng gigil ang naturalised Filipino import na si Andray Blatche na pumupog lang ng 5 puntos sa 2-of-10 shooting buhat sa halos kabuuang oras ng aksiyon.
Hindi naman matatawaran ang gilas ni rookie guard CJ Perez na siyang pinakadepinido at scorer kabalikat si Paul Lee na nag-ambag din sa puntusan. (Louis Pangilinan)