Ni Louis Pangilinan
Walang nakapagpigil sa matinding ratsada ni Angelo Kouame at dalhin ang Ateneo para sa elimination round sweep nang salpukin ang National University, 88-51, sa UAAP Season 82 Men’s Basketball Tournament, Sabado sa Ynares Center, Antipolo City.
Umiskor si Kouame ng 13 sa kanyang 17 points sa unang bahagi para himasin ang isa pang pasabog kung saan nanatiling imakulada ang Blue Eagles sa season, 13-0.
“It’s satisfying. Two weeks in a row, two games in a row, we’ve come out with a great attitude,” wika ni Ateneo coach Tab Baldwin.
Hatak ang 44-27 lead sa gitna, mistulang iginapos ng todo ng Blue Eagles ang Bulldogs kung saan nilimitahan ang tropa sa tanging sa siyam na puntos.
Ito lang ang nagsilbing kalbaryo para sa Bulldogs.
Higit pang pinalobo ng Blue Eagles ang bentahe kung saan bawat isa sa tauhan ni Tab Baldwin ay humataw sa floor na naging sanhi na malaking kalamangan para sa Ateneo sa season.
“Sure we put points on the board, made some shots, but I think what we really focused on was our defense and rebounding,” ani pa Baldwin.
“We’ve seen our team, really, transfer the work ethic from practice to the court, into the game and that’s gratifying as a coach.”
Umayuda si Thirdy Ravena ng 15 points, 4 rebounds at 3 assists na ang iba pa maliban kay starting guard Matt Nieto ay lumagda sa scoreboard.
Nanguna si Shaun Ildefonso para sa Bulldogs na may 21 points pero naligwak lang kung saan lasap ng tropa ang apat na sunod na kabiguan, 2-11.
Ang NU's leading scorer na si Dave Ildefonso ay limitado sa career-low two points sa 1-of-5 shooting sa walang patawad na depensa ng Ateneo matapos nag-sverage ng 16 points sa season.
Iskor:
ADMU 88 - Kouame 17, Ravena 15, Tio 9, Wong 8, Belangel 7, Mamuyac 5, Mi. Nieto 5, Andrade 4, Daves 4, Go 4, Malilin 4, Chiu 3, Maagdemberg 3, Ma. Nieto 0
NU 51 - S. Ildefonso 21, Gallego 9, Tibayan 8, Minerva 4, Clemente 3, Gaye 2, D. Ildefonso 2, Diputado 0, Galinato 0, Joson 0, Malonzo 0, Mangayao 0, Mosqueda 0, Oczon 0, Yu 0
Quarterscores: 22-12, 44-27, 65-36, 88-51