Humatag si Nikola Jokic ng 34 points, 14 rebounds at pitong assists, at ngatngatin ng Nuggets ang Clippers 111-98 Linggo para itabla ang kanilang West semifinal series ng may tig- tatlong panalo.
Tatangkain ng Nuggets na maging unang koponan sa kasaysayan ng NBA sa pag -rally buhat sa pares na 3-1 deficits sa kaparehong postseason, matapos gawin kontra Utah sa unang round sa West.
“I don’t know how we did it, to be honest,” sambit ni Jokic. “That’s an amazing team. They are really talented, well-coached. They’re really scary.”
Umiskor si Jamal Murray ng 21 para sa Denver, kung saan nakahugot ng 16 buhat kay Gary Harris, 13 kay Michael Porter Jr. at 10 kay Monte Morris. Na-outscored ng Nuggets ang Clippers 62-27 mula sa nakahihilong 20-minute stretch sa second half, na balikan sa kasagsagan ng aksiyon.
May 33 points si Paul George, salpak si Kawhi Leonard ng 25 at Lou Williams ay may 14 para Clippers, na ngayo'y 0-7 sa larong pwedeng angkinin para makabiyahe sa conference finals.
“It’s frustrating,” bulalas ni Clippers coach Doc Rivers. “Listen, when you decide to be a coach it’s not going to be roses every day. We clearly have the right formula as far as how we’re playing and then we keep losing it.” (LP)