Tinungkab ng Meralco ang maagang ratsada sa Game 3 para 'di makapiyok ang Magnolia Ang Pambansang Manok 91-86 Biyernes sa kanilang duwelo sa PBA Philippine Cup semifinal sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.
Ideneliber ni Chris Newsome ang huling boltaheng pinagapang sa bodega ng Hotshots, kaagapay ang ibayong pag-aklas ng gaya nina Nards Pinto at Noy Baclao na naging enerhiya ng Bolts para tabunan ang kakulangan ng manpower at pakiputin ang kanilang deficit sa best-of-seven series sa 1-2.
Nagsilbing pangunahing pamato si Pinto bilang numero unong sumuporta sa 17 puntos ni Newsome sa kanyang sariling 16 points habang si Baclao ay may 10 points sa pag-ayuda sa Meralco bilang pagpuno sa kawalan ni injured Raymond Almazan at Aaron Black, gayundin nina Trevis Jackson at Jammer Jamito, na parehong nasa ilalim ng health at safety protocols ng liga.
Somosyo din si Cliff Hodge sa limelight sa kanyang game-high 12 rebounds bukod pa sa kanyang pitong puntos buhat sa payoff period na nakatulong para idistansiya ang Magnolia.
"I think we just played with a big heart tonight," sambit nu Meralco coach Norman Black.(LP/PBA)
Iskor:
Meralco 91 - Newsome 17, Pinto 16, Belo 14, Baclao 10, Maliksi 9, Caram 8, Quinto 8, Hodge 7, Hugnatan 2, Black 0, Jackson 0, Jose 0, Almazan 0, Pasaol 0.
Magnolia 86 - Lee 18, Sangalang 15, Abueva 12, Dela Rosa 10, Jalalaon 9, Ahanmisi 8, Dionisio 8, Corpuz 2, Barroca 2, Reavis 2, Brill 0, Melton 0, De Leon 0, Capobres 0, Pascual 0.
Quarters:24-14, 47-37, 73-54, 91-86