Hindi lang isang basketball tactician si Boni Tan bagkus isa rin siyang winner.
Hindi na ito sorpresa, bahagyang nagkaproblema ang NorthPort Batang Pier kung saan ang kanilang team manager ang umareglo ng responsibilidad bilang interim.
Mahusay na rumesponde ang Batang Pier sa mandato ni Tan, ang champion coach sa Letran Knights sa NCAA - at buwenamanong tinuldukan sa panalo ang NorthPort sa PBA Bacolor play sa bisa ng 98-73 pasabog vs Blackwater Bossing, Huwebes.
Si Tan, ang pansamantalang humalili kay coach Pido Jarencio at assistant coaches na kasalukuyang naka-quarantine matapos magpositibo sa Covid-19.
Sina Robert Bolick, Jamie Malonzo, Kevin Ferrer at Greg Slaughter ang nagpadingas para kay Tan sa pagpisak nila sa Bossing at iakyat ang panalo hanggang sa 10th place sa kartadang 2-3.
Kadikit sa harapan ang NorthPort kasama ng San Miguel Beer at Barangay Ginebra sa kanilang huling dalawang matches sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
At ang Batang Pier, naghintay pansamantala para lumarga sa healthy at safety protocols ng liga bago ang pinal nilang unang pagsabak sa Don Honorio Ventura State U Gym.(LP/PBA)
.
Iskor:
NorthPort 98 - Malonzo 17, Bolick 17, Ferrer 14, Slaughter 12, Anthony 9, Lanete 9, Onwubere 8, Taha 7, Balanza 2, Grey 2, Faundo 1, Subido 0, Elorde 0, Doliguez 0, Rike 0.
Blackwater 73 - Golla 14, Escoto 10, Cruz 9, Enciso 8, Desiderio 8, Daquioag 7, Torralba 7, Magat 5, Tolomia 5, Paras 0, Semerad 0, Dennison 0, Canaleta 0, Amer 0, Nabong 0.
Quarters: 25-20, 45-40, 75-53, 98-73