PACQUIAO-THURMAN FIGHT, EKSKLUSIBO SA MGA PLATAPORMA NG ABS-CBN
ni Louis Pangilinan
Ihahatid ng ABS-CBN sa buong bansa ang nalalapit na laban ni “Pambansang Kamao” Sen. Manny Pacquiao kontra kay World Boxing Association (WBA) super welterweight champion Keith Thurman sa iba-ibang plataporma nito sa TV, cable, radyo, at online.