Raptors winarat ang Celtics 100-93; tabla na sa East semis, 2-2

Raptors winarat ang Celtics 100-93; tabla na sa East semis, 2-2

NBA

Raptors winarat ang Celtics 100-93; tabla na sa East semis, 2-2

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Humakot si Pascal Siakam ng 23 points at 11 rebounds, nagdagdag si Kyle Lowry ng 22 points at 11 boards para maitabla ng Toronto Raptors ang Eastern Conference semifinal, 2-2 sa paggiba sa  Boston Celtics 100-93 , Sabado.
 
Dalawang araw matapos maitawid ang panalo sa Game 3 buhat sa OG Anunoby’s 3-pointer kasabay sa pagbusina ng buzzer, hindi na kinailangan ng  Raptors ang anumang magarbong bira. Sa halip, inilatag lang nila ang ibayong pagpigil mula sa mga 
perimeter shooters ng Boston at partikular na ni Jaylen Brown.
 
Hatag si Serge Ibaka ng 18 points mula sa bench sa kanyang 7-of-9 shooting at kumatas si Fred VanVleet ng 17 points, 6 rebounds at anim na assists.