World Chess Federation pinarangaralan ng International Master title si Hamed Nouri; - Page 2

World Chess Federation confers International Master title to Hamed Nouri;

World Chess Federation confers International Master title to Hamed Nouri;

World Chess Federation confers International Master title to Hamed Nouri; - World Chess Federation pinarangaralan ng International Master title si Hamed Nouri;

Article Index

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

World Chess Federation pinarangaralan ng International Master title si Hamed Nouri;

(kicker:) Magnus Carlsen number pa din sa buong mundo sa Standard, Rapid at Blitz play
 
Kinumpirma ng World Chess Federation (Fide) ang International Master title na pinakaabangan ni Hamed Nouri sa 88th FIDE Congress 2017sa Goynuk, Antalya, Turkey ngayon buwan ng October.
 
Si Nouri, ipinagmamalaki ng Escalante City, Negros Occidental, ay nakopo niya ang kanyang third at final IM  norm  sa 7th HDBank international open - Master tournament nitong
March 12 hanggang 18, 2017 sa Ho Chi Minh City, Vietnam.
 
Nasikwat niya ang kanyang first IM norm sa 13th Bangkok Chess Club Open 2013 sa Bangkok, Thailand noong April 14 hanggang 21, 2013 and kasunod ng kanyang second IM norm sa 2016 National Championship - Finals (Open) sa Manila nitong June 19 hanggang 27, 2016.
 
Si Nouri ay kasalukuyang currently number 21 sa FIDE-Philippines top 100 list na may ELO rating 2355 kung saan si Julio Catalino Sadorra ang number one sa pagtala ng 2558. Ang kanyang best 2432 highest ELO rating ay nakamit niya sa 2007 Asian Zonal Chess Championships sa Ho Chi Minh City, Vietnam.
 
Hindi makakalimutan si Nouri matapos magkampeon sa prestigious 1997 Cebu Leg National Shell Youth Active Chess Championships.
 
Ang kanyang tagumpay ay dahil na din sa kanyang pagtitiyaga kung saan nakuha ni Nouri ang  big break sa international chess arena matapos siyang operan ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) head Prospero "Butch" Pichay Jr. na mag stay na sa Manila.
 
" Si Cong. (Butch) Pichay ay inoperan ako na mag stay na sa manila kasama ang family ko para makapag focus sa chess career ko at sa chess career na din ng anak kong si Alekhine, " sabi ni Nouri kasama ang kanyang maybahay na si Mrs. Rhoda Fabiosa-Nouri na nag give up ng kanilang chicken poultry business sa Escalante City para makpag focus sa kanyang chess career.
 
Lubos siyang nagpapasalamat kina Cong. Prospero "Butch" Pichay Jr.,  Atty. Cliburn Anthony Orbe at sa kanyang asawang si Mrs. Rhoda Fabiosa-Nouri sa kanilang undying support sa kanyang professional chess career.
 
Abala si ni Nouri kasama ang kanyang anak na si Alekhine bilang paghahanda sa Sunday's battle of the chess prodigy nalongest running National Shell Youth Active Chess sa Mall of Asia sa Pasay City.
 
Samantala nanatili pa din si World Chess Champion Magnus Carlsen ng Norway ang pagiging number one  sa buong mundo (Standard play) sa pagtala ng 2826 ELO rating points sa latest FIDE October 2017 list. 
 
Nakua din ni Carlsen ang number spot sa Rapid play top 100 players na may 2909 ELO rating poiits. Dominado din niya ang Blitz Top 100 players na may 2948.
 
Nakuha naman ni World Cup champion Levon Aronian ng Armenia ang number two spot sa Standard play na may ELO rating points 2801.
 
Tatlong manlalaro ang magkasalo sa Number 3 hanggang Number 5 spot na may tig 2794 ELO rating points na kinabibilangan nina Maxime Vachier-Lagrave ng France, Fabiano Caruana  ng USA at Vladimir Kramnik ng Russia, ayon sa pagkakasunod.
 
Kabilang sa mga nagkumpleto sa top Ten list ay sina No.6 Shakhriyar Mamedyarov (ELO 2791) ng Azerbaijan, No.7 Filipino Wesley So (ELO 2788) ng  USA, No.8  Alexander  Grischuk (ELO 2785) ng Russia, No.9 Viswanathan Anand (ELO 2783) ng India at No.10 Hikaru Nakamura (ELO 2774) ng USA.
 
Si World Cup finalist Ding Liren ng China, na nabigo kay Aronian sa World Cup finals, na nag eliminated kay So ay nasa No.11 spot na may ELO rating  2772.
 
Hindi pa din matinag ang Russia bilang number sa World para sa Countries top na may Average rating  2744 base sa Country rank by average rating ng top 10 players.
 
Tatlong Chinese players ang over-all leader sa kanilang respective brackets. Ito ay sina Hou, Yifan 2678 (Standard top 100 Women), Wei, Yi 2740 (Standard top Juniors) at Lei, Tingjie 2528 (Standard top girls).