Nadera, 3 iba pa ang nangunguna pagkatapos ng Day 1 ng 2nd AQ Prime FIDE Standard Chess Tournament

Nadera, 3 iba pa ang nangunguna pagkatapos ng Day 1 ng 2nd AQ Prime FIDE Standard Chess Tournament

Nadera, 3 iba pa ang nangunguna pagkatapos ng Day 1 ng 2nd AQ Prime FIDE Standard Chess Tournament

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
ni Marlon Bernardino
PASIG CITY---Nakaungos si International Master Barlo Nadera kontra kay Fide Master Christian Gian Karlo Arca ng Dasmariñas City, Cavite para makisalo sa liderato matapos ang Round 2 ng 2nd AQ Prime FIDE Standard Chess Open Tournament sa level 3 Robinsons Metro East, Marcos Highway noong Sabado, Agosto 19.

Ang Mandaue City-born Nadera ay nag-improve ng kanyang kabuuang 2.0 points sa 2000 to 2399 rating division, ang parehong output nina Woman International Master Marie Antoinette San Diego ng Dasmariñas City, Cavite , Dale Bernardo ng Angeles City, Pampanga at Alexis Emil Maribao ng Caloocan lungsod.

Panalo si San Diego kontra kay Fide Master Adrian Ros Pacis ng Mandaluyong City, winasak ni Bernardo si National Master Mark Jay Bacojo ng Dasmariñas City, Cavite habang si Maribao naman ay ginulat si Marc Kevin Labog ng Solano, Nueva Vizcaya.
Naputol naman ang pananalasa ni Legazpi, Albay pride Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna matapos ang draw kay Istraelito Rilloraza ng Las Piñas City habang ang defending champion na si Fide Master Christian Mark Daluz ng Bulan, Sorsogon ay nagdulot ng ikalawang sunod na pagkatalo ng 8-time Illinois, USA chess champion International Master Angelo Abundo Young ng Tondo, Manila.
Nasa likod ng lider sina Frayna, Rilloraza at Daluz na may tig 1.5 puntos.

Nalasap ni Young ang unang kabiguan kay Arca sa opening round matapos ang 80 moves ng Catalan Opening.
Ang event na sanction ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) ay nag-aalok ng P10,000 sa magkakampeon.
Samantala, si Atty Aldwin Alegre, CEO ng AQ Prime Entertainment, ay nagpahayag ng pangako sa pagtataguyod ng chess sa bansa, partikular na sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga karaniwang laro na mahalaga para sa mga batang manlalaro na naghahangad na makakuha ng titulong FIDE.

"AQ Prime, in collaboration with the National Chess Federation of the Philippines (NCFP), schools, universities, organizations, and chess enthusiasts, will identify initiatives that best suit the needs of the chess community in the country," sabi ni Alegre na dating varsity chess player sa Emilio Aguinaldo College.-Marlon Bernardino-

Photo Caption:
Si Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna ng Legaspi City, Albay
Photo Caption:
Si 8-time Illinois, USA chess champion International Master Angelo Abundo Young ng Tondo, Manila versus Fide Master Christian Gian Karlo Arca ng Dasmariñas City, Cavite