Querequere nagkampeon sa Misamis Occidental rapid chess championship

Querequere nagkampeon sa Misamis Occidental rapid chess championship

Querequere nagkampeon sa Misamis Occidental rapid chess championship

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus


ni Marlon Bernardino
CLARIN, MISAMIS OCCIDENTAL---Nagkampeon sa pamamagitan ng tiebreak si Janin Dhrey Querequere sa Elementary Division ng Asenso Misamis Occidental National Open Chess Tournament sa Aya Hotel & Residences sa Clarin, Misamis Occidental na ginanap noong Hulyo 8 at 9, 2023.


Si Querequere, na tubong Balingoan, Misamis Oriental, ay nakisalo sa una at ikalawang puwesto kay Ashzley Aya Nicole Paquinol ng Cagayan de Oro City, Misamis Oriental na may tig-6.5 puntos sa 15 minuto at 3 segundong increment time control format Elementary Division na sinuportahan ng provincial government sa pamumuno ni Misamis Occidental Governor Atty. Henry S. Oaminal Sr., sa pakikipagtulungan ni Ozamis City Mayor Atty. Henry F. Oaminal Jr., Congressman Sancho Fernando F. Oaminal at ang bagong likhang Asenso Misamis Occidental Federated Chess Association.


Sa pinakamataas na tiebreak points, nakuha ni Querequere ang titulo habang pumangalawa si Paquinol.


"Maraming salamat sa mga naniwala, sa mga tumulong at sa mga hindi sumuko sa akin," ani Querequere.
Ang mga nanalo sa top 10 ay sina Alberth Balase ng Lopez Jaena (pangatlo), Uzziah Del Mundo ng Pagadian City (ikaapat), Aron Pitos ng Oroqueta City (ikalima), Meghael Gregoire Mondia ng Tangub City (ikaanim), Ruy Lopez ng Pagadian City (ikapito), Philipp Samonte II ng Pagadian City (walo), Mark John Paul Uy ng Pagadian City (ikasiyam) at Keith Khian Salvia ng Lanao del Norte (ikakasampu).


Samantala, nanguna naman sa High School Division si Sean Kenneth Cogonon ng Cebu City na may 6.5 puntos na sinundan nina Lyn Getubig ng Natumolan, Misamis Oriental, Samantha Trish Balquin ng Cagayan de Oro City, Lj Getubig ng Natumolan, Misamis Oriental at Luke Symon Lozada ng Cebu City na may 6.0 puntos bawat isa.


Ang nag-round up sa top 10 winners ay sina Grace Galunod ng Tangub City (ikaanim), Dominic Carl Gumisad ng Tangub City (ikapito), Kattrina Lim ng Ozamis City (walo), Jomar Anhao ng Tangub City (ikasiyam) at RJ Bargayo ng Guipos, Zamboanga del Sur (ikasampu).-Marlon Bernardino-